Heart Evangelista, nanghihinayang pa rin sa pagpanaw ni Sen. Miriam Defensor-Santiago

Heart Evangelista, nanghihinayang pa rin sa pagpanaw ni Sen. Miriam Defensor-Santiago

- Hindi maipagkakaila ang naging malapit na pinagsamahan ni Heart Evangelista at Sen. Miriam Defensor-Santiago

- Hanggang sa ngayon ay nanghihinayang pa rin ang aktres sa pagkawala ng senador

- Sana raw ay nakagawa pa sila ng vlog na “Adulting 101 with Sen. Miriam”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi sa isang social media post ng aktres at fashion icon na Heart Evangelista ang kanyang pagkamiss kay Senador Miriam Defensor-Santiago. Nalaman ng KAMI na nanghihinayang din si Evangelista sa pagkawala ni Defensor-Santiago.

Ayon sa caption ng Instagram post ni Evangelista, aniya, “If only I could turn back time and have one last conversation with you. I know people would have loved an ‘Adulting 101 with Senator Miriam’ video too. Missing you everyday, Sen. Miriam.”

Kitang-kita nga pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa. Ayon sa balita ng Inquirer, itiuring ni Evangelista ang senador bilang pangalawang ina. Si Defensor-Santiago rin daw ang naging dahilan sa pag-iibigan ni Evangelista at Senador Francis “Chiz” Escudero.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dating naiulat ng KAMI na gumawa ng Youtube vlog si Evangelista na pinamagatang “Adulting 101 with Sen. Chiz Escudero” kung saan tinalakay nila ang mga “mature stuff” tulad ng love, investment, work at iba pa.

Sa vlog na ito ay nabanggit din ang namayapang senador noong mapag-usapan ang pre-nup ng mag-asawa.

“We have a pre-nup. What’s her’s is her’s, what’s mine is also her’s,” sabi ni Escudero.

“It was actually Miriam Defensor’s idea, Tita Miriam,” sagot ni Evangelista.

Noong September 29, 2016 nga ay pumanaw si Sen. Miriram Defensor dahil sa lung cancer. Tumakbo pa siya sa pagka-presidente noong eleksyon noong 2016.

POPULAR: Read more news about Heart Evangelista!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! WHAT is PMS? Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nadine Samonte flaunts beautiful baby bump in recent maternity shoot

Nadine Samonte flaunts beautiful baby bump in maternity shoot

Nadine Samonte flaunts beautiful baby bump in maternity shoot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel