Bride, emosyonal sa photoshoot suot ang wedding gown "kasama" ang fiance' na pumanaw na

Bride, emosyonal sa photoshoot suot ang wedding gown "kasama" ang fiance' na pumanaw na

- Nag-viral ang post ng isang bride na nagpakuha ng wedding pictures sa araw ng kanyang kasal, "sana"

- Pumanaw ang kanyang fiance' sa dahil sa aksidente sa motorsiklo, dahilan para di matuloy ang kanilang kasal

- Pina-photoshop ni Debbie ang kanyang mga larawan na naka-wedding gown upang magmukhang kasama pa rin niya ang kanyang finace' na namayapa na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na nagpakuha ng larawan ang isang bride kamakailan kung saan sinuot niya ang kanyang wedding gown sa araw dapat ng kanyang kasal.

Sa facebook post ng isang bride na nakilalang si Debbie Gerlach, nilahad niya ang kanyang saloobin bakit nagawa pa niyang magkaroon ng photoshoot gayong di naman tuloy ang kanyang kasal sa nobyong si Randy Zimmerman.

Siyam na buwan bago ang kanilang kasal, naaksidente sa motor si Randy at sa kasamaang palad pumanaw ito.

Noong November 11 sana ang kasal ng dalawa, at noong ding araw na iyon labis na naging emosyonal si Debbie na dapat sana ay pinakamasayang araw niya.

Upang di masayang ang araw na iyon na sana ay kasal niya, kumuha ng photographer si Debbie kung saan kayang mag-edit ng larawan na animo ay kasama pa rin nila ang taong pumanaw.

Kaya naman kahit di natuloy ang kasal nina Debbie at Randy, kahit sa larawan, sila ay magkasamang nakangiti sa araw na iyon.

Nagbigay babala rin si debbie sa kanyang viral post para sa mga motorista. Maging masunurin naman daw sana sa mga babala sa daan. Ito kasi ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang fiance' kung saan humarurot ang isang sasakyan at nahagip si Randy na sakay ng kanyang motor. Dire-diretso pa rin daw kasi ang sasakyan kahit pa dapat ay "stop" na ito.

Umabot na ng 323k ang reaksyon, 165,914 Shares at 30k na komento ang nakakadurog na puso na post na ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Razorback drummer Brian Velasco’s life story before his tragic end

Razorback drummer Brian Velasco’s life story before his tragic end

Razorback drummer Brian Velasco’s life story before his tragic end
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel