Vice Ganda, isiniwalat ang naging matinding pag-aaway nina Anne Curtis at Vhong Navarro noon

Vice Ganda, isiniwalat ang naging matinding pag-aaway nina Anne Curtis at Vhong Navarro noon

- Inamin ni Vice Ganda ang tampuhan na naganap noon sa pagitan ni Anne Curtis at Vhong Navarro

- Ito ay dahil sa isang gamit na hindi nila napagkaunawaan pareho

- Inilarawan naman ni Vice bilang “classic” ang bangayan ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang pag-aalinlangang ibinahagi ng komedyanteng si Vice Ganda ang naging tampuhan noon ng kapwa mga hosts na sina Anne Curtis at Vhong Navarro.

Nalaman ng KAMI na nai-ere ang rebelasyon habang nagho-host ang aktor sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng It’s Showtime.

Nag-umpisa ang pag-uusap nang kapanayamin ni Vice at Vhong ang isang daily contender na nagta-trabaho sa electronics company.

Sinabi ng contestant na nag i-inspect siya ng mga cover glass ng cellphone kaya naman biglang naalala ng Unkabogable star ang pag-aaway nina Vhong at Anne.

Ikinuwento ni Vice na minsang nabasag ng aktres ang screen ng kaniyang cellphone kaya nag-volunteer diumano si Vhong na ipapalit ito sa kaniyang kakilala.

Ngunit pagbalik daw ng telepono kay Anne ay kulay blue na ang screen nito at nalaman niyang hindi original ang ikinabit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinompronta umano ng aktres ang pagawaan at tinanong kung bakit maayos ang naging pagpalit ng screen sa cellphone ni Vhong samantalang sa kaniya ay iba ang naging resulta.

Pagbubunyag pa ni Vice ay hindi daw sinabi ni Vhong na hindi original ang nilagay sa gadget ni Anne kaya naging matindi ang kanilang pag-aaway.

“Ang classic no’n, ano? Dalawang sikat na artista, nag-away dahil sa cellphone screen!” sambit ng Praybeyt Benjamin star.

Narito ang video ng pagsisiwalat:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, prangkang inamin din ni Vice ang una at malalang pag-aaway nila noon ni Anne.

Si Vice Ganda ay isang aktor at endorser na proud member din ng LGBTQ+ community. Sa nakalipas na mga taon, patuloy na bumibida sa takilya ang kaniyang mga pelikula katulad ng Petrang Kabayo, Beauty and the Bestie, at Sisterakas.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Saan Aabot Ang Bente Pesos Mo? This question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel