Single dad na naglalakad ng 3 oras pa-trabaho, binigyan ng kotse ng mga kasamahan

Single dad na naglalakad ng 3 oras pa-trabaho, binigyan ng kotse ng mga kasamahan

- Nag-ambagan ang mga katrabaho ni Trenton Lewis para mabilhan siya ng kotse

- Single dad si Trenton na gumigising ng maaga para maglakad papuntang trabaho

- Emosyonal siyang tinanggap ang sasakyan at di ito makapaniwala na nagawa ito ng kanyang mga ka-trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking gulat ng isang single dad na nakilalang si Trenton Lewis nang regaluhan siya ng kanyang mga kasama sa trabaho ng kotse.

Ayon sa Yahoo Philippines, Pitong buwan ang nakalipas bago nalaman ng mga ka-trabaho ni Trenton na naglalakad pala ito papuntang trabaho.

Gumigising pa raw ito ng hatinggabi para maghanda na papuntang trabaho. Naglalakad kasi ito ng nasa 17 kilometro at kailangan niyang makarating sa kanilang opisina bago mag alas-4 ng umaga.

Umabot ng pitong buwan niya itong ginagawa bago natuklasan ng kanyang dalawang katrabaho ang kanyang ginagawang paglalakad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman naisipan nilang mag-ipon at lumikom ng pera upang mabigyan ng sasakyan ang katrabaho.

Isang umaga, nagtipon tipon ang mga katrabaho ni trenton pati na rin siya para sa pagpupulong. Lingid sa kanyang kaalaman na para sa kanya ala ang umaga na iyon.

Pahayag ng isa niyang kasama, mabuting tao si Trenton kaya dapat lamang na makatanggap din siya ng kabutihan. Maya maya pa ay nilabas nito ang susi ng sasakyan saka binigay sa single dad.

Di naiwasan ni trenton na maging emosyonal at di makapaniwala sa ginawa ng kanyang mga kasama para sa kanya.

Kwento pa ni Trenton, tinitiis niya ito para sa kanyang 14 na buwang anak na nagsisilbing inspirasyon niya.

Walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan at laking pasalamat niya sa kanyang mga katrabaho.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines

Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines

Sen. Hontiveros files a bill seeking “absolute divorce” in Philippines
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel