May nag walk out! Coach ng Gilas at Jordan nagkapikunan diumano sa court

May nag walk out! Coach ng Gilas at Jordan nagkapikunan diumano sa court

- Nauwi sa bangayan ng dalawang coach ang laban ng Team Pilipinas at Jordan

- Giit ni Coach Yeng Guiao ay binubully daw ng Jordan ang Pinas

- Maagang natapos ang laro nang mag-walk out ang Jordan sa laro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila maagang natapos ang laro ng Team Pilipinas nang mag-walk out ang kalabang team na Jordan sa tune-up game nila noong ika-21 ng Nobyembre sa Meralco gym.

Nalaman ng KAMI na nagkainitan sa court ang coach ng dalawang team at nauwi sa bangayan si Coach Yeng Guiao ng Pilipinas at Coach Joey Stiebing ng Jordan.

Ang pinagmulan daw diumano ng gulo ay noong may isang Jordan player na binato ng bola ang Gilas player na si Scottie Thompson ayon sa balita ng Spin.ph. Giit naman ni Guiao ay “ragged” daw ang Jordan simula pa lang daw noong unang tune-up game nila. Inakusahan pa raw ng Jordan ang Pilipinas bilang “dirty” player. Dagdag niya pa na binully daw diumano ng Jordan ang Team Pilipinas.

“The coach said he was going to take my *ss so I was challenging him to take my *ss pero hindi naman niya ginawa, ‘no?” sabi ni Guiao.

“I just didn't want to be bullied in my own country. They were bullying us all the way. Andito tayo tapos tayo pa yung binu-bully, ‘di naman dapat ‘yun,” dagdag niya pa.

Aniya, “Respetuhin naman nila tayo. Konting respecto naman. Wala naman tayong ginagawa sa kanila, naglalaro lang tayo," giit ni Guiao.

"Yung coach na yan akala mo kung sinong siga, e andito tayo. Hindi naman lalaban ng suntukan yung ga__ na yan," palaban na dagdag niya pa.

Para kay Guiao, magsisilbing tanda raw ito para sa Team Pilipinas lalo na sa mga darating pa nilang mga laro.

“It’s going to be a lesson for us in terms of the physicality,” aniya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Depensa naman ni Stiebing, panay daw ang pagsasalita ng hindi maganda diumano ni Guiao sa mga players ng Jordan. Kinausap niya pa raw si Guiao ngunit hindi daw ito tumigil ayon sa report ng Rappler.

“When an opposing coach curses at your players and calls them names, I think that's crossing the lines, and I think that's what got me upset,” giit ng Jordan coach.

“I asked the coach earlier, I said, 'Please, don't talk to my players.' And then he did it again. I've had players before, if a coach curses at them, they'll go after them and start a fight. I think that's unprofessional,” dagdag niya pa.

Samantala, natapos ang laro sa 4th quarter at tinapos sa oras na 6:26. Nanalo ang Team Pilipinas, 82-73, by default matapos mag-walk out ang team ng Jordan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! WHAT is PMS? Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel