Asan sila?! Tanong ng netz sa 9 Kapamilya stars na wala sa Christmas Station ID

Asan sila?! Tanong ng netz sa 9 Kapamilya stars na wala sa Christmas Station ID

Kamakailan lang ay ibinahagi na ng ABS-CBN ang kanilang Christmas Station ID para sa taong 2018.

400 Kapamilya stars ang dumalo sa naturang okasyon na yearly na event ng nasabing network.

Pero kahit sa dami ng mga artistang dumalo, napansin ng mga netizens ang siyam (9)sa mga Kapamilya stars na hindi present sa nasabing Christmas Station ID.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito dumagsa ang mga fans sa iba't ibang social media forum at sa mga social media accounts ng mga artista at nagtanong kung bakit wala sila sa 2018 Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Spotted ng KAMI ang 9 Kapamilya stars na hindi umano nakita ng kanilang mga faney sa Christmas presentaion ng ABS-CBN.

1. Lea Salonga

Hindi rin raw spotted ang international music superstar, Tony-award-winner na si Lea Salonga sa nasabing station ID.

Naging coach si Lea sa lahat ng seasons ng The Voice of the Philippines at dati rin siyang kumanta ng theme song ng Christma Station ID ng ABS-CBN.

2. Sharon Cuneta

Speaking of The Voice, wala rin ang si Megastar Sharon Cuneta sa station ID, dati ring kumanta ng theme song nito.

3. Bamboo

Isang coach pa ng The Voice of the Philipines ay si Bamboo at dati na ring kumanta ng station ID pero ngayon di daw present.

4. Boy Abunda

Tila hindi rin raw nakasali ang King of Talk na si Boy Abunda.

5. Judy Ann Santos

Ang Queen of Soap Operas na si Judy Ann Santos ay hinahanap rin ng kanyang mga fans dahil hindi nakita sa naturang Christmas Station ID.

6. Janno Gibbs

Naging kontrobersiyal kamakailan lang si Janno Gibbs dahil sa kanyang umano ngayon ay deleted Instagram post.

Hindi rin siya nakasali sa Christmas Station ID.

7. Angelica Panganiban

Dumagsa ang mga faney ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account para tanungin siya kung nasaan raw siya at bakit hindi siya kasali sa ABS-CBN Christmas Station ID.

8. Shaina Magdayao

Hindi rin nakita si Shaina Magdayao sa Christmas Station ID ng Kapamilya network.

9.Julia Montes

Hinananap rin ng kanyang milyon milyong fans ang isa pang magaling at magandang aktres na si Julia Montes dahil wala rin siya sa Christmas Station ID.

Una naming naispatan ang naturang balita sa Kikay Departmet, PEP, at sa social media pages.

Ibinahagi namin kamakailan lang ang paglabas ng ABS-CBN Christmas Station ID na Family is Love.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel