12-anyos na may brain cancer patuloy ang paglaban sa kabila ng hirap

12-anyos na may brain cancer patuloy ang paglaban sa kabila ng hirap

-Taong 2017 nang ma-diagnose na mayroong brain cancer ang batang si Jinn na lubos na ikilungkot ng buong pamilya

-Kwento ng kanyang ina, sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan ng bata, patuloy itong lumalaban at sinabi nitong nais pang mabuhay

-Isa ang kanilang pamilyana umaasa na mabuksan muli ang Dr. Farrah Agustin-Bunch Natural Medical Center

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Taong 2017 nang ma-diagnose na mayroong brain cancer ang batang si Jinn o medulloblastoma. Dahil dito sumangguni sila sa doktor.

Ngunit tila daw natakot ang batang si Jinn sa ospital ayon sa kanyang ina. Anito, gusto man niyang ipagpatuloy ang mga procedure doon hindi naman niya matiis ang matinding takot na nakikita sa anak.

Kung kaya naman nagdesisyon sila na humanap ng ibang paraan, nagresearch sila at nalaman ang tungkol sa alternative medicine.

Agad daw silang sumangguni sa isang doktor na nag-o-offer nito. Ngunit sa loob ng 1 buwang pagpapagamot dito tila daw hindi sila nakuntento dito.

12-anyos na may brain cancer patuloy ang paglaban sa kabila ng hirap

Photo source: Benjie Rosadino
Source: Facebook

Hanggang sa nadiskubre nila ang Dr. Farrah Agustin-Bunch Natural Medical Center na agad naman nilang nakausap sa pamamagitang ng facebook.

Agad nilang dinala ito sa medical center sa Tarlac at doon nito nakausap ang doktor na si Dr. Farrah na kilala sa alternative medicine.

Nang tanungin niya ito sa assurance para sa paggaling ng anak, sinabi nitong: "Walang assurance, mommy. hindi ako Diyos, sya lang ang may assurance, magdasal ka."

Doon daw tila siya natauhan. Tila daw ba nagising siya sa isang pagtulog at na-realize na nakalimutan niyang ibigay ang sitwasyon sa Panginoon.

Pagkatapos nito, naging maayos daw muli ang kanyang anak at nakabalik muli sa pag-aaral. Ngunit August nang magkaroon naman ito ng luslos.

Nang ipakonsulta ito sa ospital sinabing kailangan itong agad na maoperaha ngunit pinili nilang ipaalam muna ito kat Dr. Farrah.

Ipinayo daw nito na 'wag munang operahan at obserbahan muna. Kwento nito, himalang nawala daw ang luslos ng bata.

Bukod rito, lumabas din daw sa MRI ni Jinn na nabawasan ang mga tumor nito.

Ngunit hindi pa rito natapos ang pagsubok sa kanila, nabunti ang ina ni Jinn at ayon dito ay napabayaan ang pagkain ni Jinn na may istriktong diet. Hindi na rin daw ito nakapagtuloy ng pag-inom ng mga gamot nito.

Nagbago daw ang behavior ni Jinn at nang patignan muli ito sa doktor ay lumabas sa MRI nito na lumaki ang tumor nito.

Pinayuhan silang ipa-opera ito kung hindi daw ay 3 hanggang 6 na buwan na lamang ang itatagal nito.

Dahil sa kalagayan nagpasya siyang pauwiin na ang ama ni Jinn na noo'y nagta-trabaho sa barko.

Dinala muli si Jinn kay Dr. Farrah para isailalim sa immunotherapy at pagkatapos ng 17 araw ay nakauwi naman ito.

Ngunit pagkatapos ng 2 buwan ay nagkasakit na naman ito ng amoebiasis kaya hindi ito nakainom ng gamot dahil sa pagsusuka at pagdumi.

Dahil dito lubos na naghina ang katawan ni Jinn, hindi na rin daw ito nakarinig, nakalakad, nakakita at nanginginig po ung katawan nya.

12-anyos na may brain cancer patuloy ang paglaban sa kabila ng hirap

Photo source: Benjie Rosadino
Source: Facebook

Kahit pa may mga tao daw na nagsasabing baka hanggang doon na lang ang buhay na inilaan para sa anak, ayaw niyang isuko ang anak lalo pa ito mismo ang ayaw sumuko.

"Mama, kahit nahihirapan ako, gusto ko mabuhay kaya lalaban ako." sabi daw ni Jinn.

May 2018 nang isugod muli nila sa Tarlac si Jinn para sumailalim muli sa immunotherapy. Tila comatose na raw ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa tulong ng kanilang pamilya, nagawa nilang itawid ang therapy.

Pagkaraan daw ng 2 linggo gumising si Jinn at nakarinig at nakalakad muli. Lubos ang pasasalamat t saya na naramdaman ng pamilya sa nagyari.

Ngunit nito lamang August, ipinasara ang medical center ni Dr. Farrah. Isa ang pamilya ni Jinn sa lubos na apektado dahil dito.

Nanghina na daw muli si Jinn at isang araw ay biglang nawalan ng hininga ang bata. Mabuti na lamang at naagapan ito ng first aid.

Dinala ito sa ospital at dinala sa ICU, nagkaroon ito ng pneumonia. Ngunit sinubok pa sila pagkatapos nito, at ayon sa ina ni Jinn hinanda na niya ang kanyang sarili.

Idinasal niya na ang kalagayan ng anak sa Panginoon. Ngunit isa muling himala, umayos ang lagay ni Jinn at nakalabas muli ng ospital.

Ngunit bedridden na si Jinn, mahinaang pandinig at nanginginig ang kamay. Patuloy silang umaasa na magbukas muli ang medical center ni Dr. Farrah.

Nagpapasalamat din ang kanilang pamilya sa mga taong tumulong at patuloy na tumutulong sa kanila.

Batid namin ang hirap at sakripisyo ng isang magulang para sa kanilang mga anak.

Hangad ng KAMI ang paggaling ng batang si Jinn.

Ang istorya pong ito maging mga larawan ng batang si Jinn ay may pahintulot mula sa kanyang pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel