Lalaki, umaasang mabuhay ang pumanaw na asawa; prineserba ang katawan nito

Lalaki, umaasang mabuhay ang pumanaw na asawa; prineserba ang katawan nito

-Dahil sa sobrang pagmamahal kaya naman nagdesisyon ang isang lalaki mula sa China na isailalim sa preservation ang kanyang asawa

-Ang tawag sa prosesong ito ay Cryogenics

-Ayon sa ulat, pumayag rin ang asawa nito sa prosesong gagawin sa kanyang katawan na namatay naman sa sakit na lung cancer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dala ng kanyang pagmamahal sa asawa, nagdesisyon si Gui Junpin na isailalim ang kanyang asawa sa cryogenics o pagpe-preserba ng katawan sa mababang temperatura.

"Gui said he would like to try, although he knew it was not possible to revive his wife in the near future.

"I think his love for his wife was the biggest factor in his making the decision.", ayon kay Kong Fei, miyembro ng Alcor Life Extension Foundation sa isang pahayag sa AsiaOne.

Ayon sa ulat, nang manghina at sumailalim na ang asawa ni Gui na si Zhan Wenlian sa chemotheray, nag-apply ito para sa cryonic procedure sa pamamagitan ng pagdo-donate ng katawan nito sa Shandong University Qilu Hospital.

Dito sasailalim ang katawan ni Zhan sa isang 55-hour experimental procedure sa Yinfeng Biological Group center sa Shandong Province, China.

Noong May 8, 2017 pumanaw si Zhan sa sakit na lung cancer. Bago lumipas ang 5 minuto nang ito ay idineklarang clinically dead, isinagawa ang procedure.

Ayon sa ulat ng AsiaOne, sumailalim ang katawan ni Zhan sa life support system, kabilang ang nutrition at cardiopulmonary support.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos ay dinala ang katawan sa isang laboratory kung saan ay tinurukan ito ng mga kemikal na magpo-protekta sa mga cells nitosa katawan mula sa pagkasira kapag sumailalim na ito sa freezing process.

Mula May 10, ang katawan ni Zhan ay nasa loob ng isang tangke na may lamang 2,000 liquid nitrogen na may -196° C na temperatura sa Yinfeng.

Ayon sa report, may consent daw mula kay Zhan ang ginawang ito ng asawa.

Ganunpaman, wala pa ring nakikitang posibilidad na maaari ngang mabuhay ang isang tao pagkatapos nitong mamatay.

"The body is expected to be stored for at least several decades, and we may evaluate the body's condition after a certain period of time, and revive her if possible in the future.

"It depends on technological development in the field. I do not see any possibility for revival in the immediate future." ayon kay Kong Fei.

"It is not possible to bring a person who is considered brain dead back to life." ito naman ang pahayag ni Chen Jingyu, vice-president ng Wuxi People's Hospital sa Jiangsu province at eksperto sa lung transplant.

Ang prosesong ito sadyang napakamahal at mayroon pang karagdagang $7,502 kada buwan para sa pagpapanatili nito.

Ayon sa AsiaOne, mahigit 100 na ang sumailalim sa ganitong proseso mula noong una itong sinubukan taong 1967.

Source: The Asianparent, AsiaOne, Science and Technology Daily

Lalaki, umaasang mabuhay ang pumanaw na asawa; prineserba ang katawan nito

Photo source: Science and Technology Daily
Source: Facebook

Lalaki, umaasang mabuhay ang pumanaw na asawa; prineserba ang katawan nito

Photo source: Science and Technology Daily
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ms Universe Canada 2016 reacts to Catriona Gray’s performance at prelims

Ms Universe Canada 2016 reacts to Catriona Gray’s performance at prelims

Ms Universe Canada 2016 reacts to Catriona Gray’s performance at prelims
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel