Tatlong pamilya, nagtitiis tumira sa tabi mismo ng kulungan ng baboy

Tatlong pamilya, nagtitiis tumira sa tabi mismo ng kulungan ng baboy

- Kahabag-habag ang kalagayan ng dalawang pamilyang nagtitiis tumira sa tabi mismo ng kulungan ng baboy

- Bukod sa mabaho at maruming lugar na ito, maliit at mainit din daw ang lugar

- Dahil sa kondisyon ng lugar, di maiiwasang madapuan na nila ng sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinuwento ng pamilya ng batang si Shyrel Lasalita kung paano nila natitiis na tumira sa tabi mismo ng kulungan ng baboy.

Bungad pa lang ni Shyrel, mabaho raw talaga ang kanilang lugar dahil na rin sa dumi rito. Kaya naman, ang tanong agad ng nakapanayam ng bata mula sa programang Frontrow ay kung nagkakasakit ba sila dahil dito.

Kwento ng ina ni Shyrel na si Maricris, dala ng hirap ng buhay, napilitan silang tumira na lamang sa tabi mismo ng babuyan.

Dati raw silang nangungupahan, ngunit dahil sa labandera lamang siya at construction worker naman ang kanyang mister, kulang na raw talaga ang pera nila para umupa pa.

Kaya naman nagtitiis sila sa masikip, mabaho at mainit na lugar sa babuyan na pinagkaloob ng ama ni Maricris. Dito raw, wala silang iniisip na babayarang renta araw-araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nadudurog lamang daw ang puso ni Maricris pag nagtatanong ang kanyang mga anak tungkol sa kanilang kalagayan. Pinaliliwanag na lamang daw niya ang estado ng kanilang buhay.

Minsan pa nga, di raw maiwasan ng mga bata na mainip, at mainitan kaya naman gumagawa na lamang daw siya ng paraan upang maaliw ang mga bata at malimutan ang iniinda.

Pagdating naman sa tulugan, halos katabi na ng mga bata ang mismong koral ng baboy. Minsan pa nga raw, kahit may kurtina na nakatabing, nasasaktan pa rin daw sila ng mga baboy.

Kahit paano rin daw nakasanayan na nila ang amoy, init at dumi sa kanilang maituturing na tahanan ang importante ay magkakasama silang mag-anak.

Ang masaklap na nito, di lamang sila ang nakatira rito. Ang hipag ni Maricris na may dalawang kasama at isa pang pamilya na may limang miyembro kaya 13 silang nagsisiksikan malapit sa koral ng baboy.

Kaya naman nang tanunigin si Shyrel kung ok lang ba sa kanya na doon lamang sila nakatira, napailing na lamang ito.

Nakalulungkot lamang isipin na ilan lamang sila sa mga 22.8 milyon na pamilyang walang maayos na tirahan dito sa ating bansa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
May Forever! 52 anyos na lalaki at 96 anyos na babae, matatag ang pamamahalan sa loob ng 20 taon

May Forever! 52 anyos na lalaki at 96 anyos na babae, matatag ang pamamahalan sa loob ng 20 taon

52 anyos na lalaki at 96 anyos na babae, matatag ang pamamahalan sa loob ng 20 taon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel