2 taong gulang na batang madalas isubo ang kamay, nakalunok na pala ng piso
- Nagbigay babala ang ina ng 2 taong gulang na batang lalaki na nakalunok na pala ng piso
- Panay suka at nilagnat daw ang kanyang anak na tila may dinudukot din mula sa kanyang bibig
- Nang isagawa ang x-ray sa bata, doon nakita ang piso at himala itong nabuhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng ina na si Vida Panopio ang karanasan ng kanyang anak na nakalunok na pala ng piso.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, dinala ang anak ni Vida na dalawang taong gulang lamang sa ospital upang ipasuri dahil sa nilalagnat na umano ito at nagsusuka.
Napansin din daw ng ina ng bata na madalaas nitong isubo ang halos buong kamay niya na parang may gustong kunin mula sa kanyang bibig.
Dahil sa di pa masyadong makapagsalita, pag tinatanong lamang daw niya kung masakit ang ngipin niya, tumatango na lamang daw ito ngunit bakas sa mukha na di ito sigurado.
May mga gabi pa nga raw na di ito makali at nasasambit na lamang nito ang "Nanay, tatay, im sorry po!"
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Walang nakitang kakaiba ang doktor kaya naman naisipan nilang ipa-x-ray ito.
Doon nakita ang piso na nakabara na pala sa esophagus ng bata. Ito na ang dahilan kumbakit iritable ito.
Kwento pa ng inang batang si DJ, marahil nakuha raw nito ang piso sa kanyang bag ngunit wala umanong nakakita mismo na naisubo niya ito.
laking pasalamat din nila na walang mas malalang nangyari sa kanilang anak kaya naman binahagi niya ang karanasan upang magsilbing babaa ito sa mga kapwa niya magulang na mayroon pang maliliit na anak.
Maging mapagmatyag daw dapat lalo pa at di pa nila maipaliwanag ang kanilang nararamdaman.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?
Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh