Realistic masks sa Japan, patok sa tech at entertainment industries

Realistic masks sa Japan, patok sa tech at entertainment industries

-Isang Japanese ang nakaisip na gumawa ng maskara na parag totoong mukha na

-Ang maskarang ito nagkakahalaga ng 300,000-yen o $2,650

-Ginawa ito para sa medical purposes ngunit may mga nakaamba ring panganib ang maskarang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Osamu Kitagawa mula sa Japan ang nakaisip at gumagawa ng mga maskarang tila totoo nang mukha.

Gawa ito sa resin at plastic na kaya umanong kopyahin o gayahin ang halos lahat ng detalye sa mukha, pati na ang mga kulubot sa balat.

Nagkakahalaga ang mga pasadyang maskara ng 300,000-yen o $2,650. Nakakalula di'ba?

Naitatag ni Kitagawa ang REAF-f Company na naisipan niya habang nagta-trabaho sa isang printing machine manufacturer.

Dalawang taon daw ang inabot para matutunan niya ang paggamit ng three-dimensional facial data mula sa high quality photographs.

Nagsimula umani siyang magbenta ng kakaibang produktong ito noong 2011.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Kitagawa, masusi niyang inaalam kung saan gagamitin ang mga maskara bago niya ito ibenta.

May 1 organisasyon daw na um-order sa kanya ng maskara ng prinsipe at hari ng Saudi Arabia.

“I was told the masks were for portraits to be displayed in public areas,” anito.

Nais umano niyang makagawa ng mga maskara na may malambot na materyal katulad ng silicon.

“I would like these masks to be used for medical purposes, which is possible once they can be made using soft materials,” anito.

“And as humanoid robots are being developed, I hope this will help developers to create (more realistic robots) at a low cost,” dagdag niya.

Ang kanyang mga maskara ay patok sa tech at entertainment industries.

Bawat taon, umaabot daw sa 100 ang nagpapagawa sa kanila ng maskara mula sa entertainment, automobile, technology at security companies na kadalasan ay mula sa Japan.

Source: Reuters

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel