Vice Ganda, isiniwalat ang naging pagtrato sa kaniya ng pamilya ni Calvin Abueva

Vice Ganda, isiniwalat ang naging pagtrato sa kaniya ng pamilya ni Calvin Abueva

- Ibinahagi ng aktor na si Vice Ganda ang naramdaman niya nang makasama ang pamilya ni Calvin Abueva

- Patuloy pa rin na inili-link ang komedyante sa nasabing PBA player

- May napansin din umano si Vice sa nanay ni Calvin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita ang komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa naging pagtrato sa kaniya ng pamilya ni Calvin Abueva na siya namang napapabalitang boyfriend ng aktor.

Nalaman ng KAMI na patuloy ang pagli-link sa dalawa dahil na rin sa madalas nilang pagsasama at sa mga sweet photos na ina-upload nila sa social media.

Sa isang panayam ng PEP.ph, sinabi ni Vice na nakilala niya na ang ilan sa mga miyembro ng pamilya ng basketball player.

Inamin ng aktor na napakabait nila sa kaniya kaya naman masaya ang kaniyang pakiramdam ngayon at may kapayapaan sa puso niya.

Hindi rin daw pino-problema ng Praybeyt Benjamin star ang madalas nilang pagsasama ni Calvin dahil hindi rin daw ito iniisip ng PBA player.

“Yung relationship ko with him and his family, na napakabait sa akin, ayun, masaya ako dun. Yun lang, panatag ang loob ko…” pag-amin ng komedyante.

“Ngayon, may kapayapaan ang puso ko, wala akong iniisip. Kasi kung siya ay walang iniisip, bakit ako mag-iisip, di ba? Kung siya hindi namomroblema, hindi rin ako mamroroblema,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nang magkita daw si Vice at ang nanay ng kaniyang rumored boyfriend, nalaman ng celebrity na mga produkto ng Vice Cosmetics ang ginagamit nito.

Kaya naman nagbiro ang aktor na gagawin niyang endorser ng kaniyang negosyo si Calvin sampu ng kaniyang mga ka-pamilya.

“Ay, hindi pa niya nami-meet ang nanay ko, pero na-meet ko na ang nanay niya. Naka-Vice Cosmetics din yung nanay ni Calvin,” saad ng Phenomenal star.

“Baka nga gawin kong endorser ng Vice Cosmetics si Calvin, yung lola niya, yung ate niya... pamilya sila,” dagdag pa niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagpakita ng kaniyang sweet side ang Unkabogable Star kay Calvin sa gitna ng pagho-host sa “It’s Showtime.”

Si Vice ay isinilang noong March 31, 1976 at lumaki sa Tondo, Manila. Bago maging isang sikat na artista, nag-enroll muna siya sa Far Eastern University at kumuha ng kursong Political Science.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Saan Aabot Ang Bente Pesos Mo? This question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo

Mikee Quintos wows the netizens and her fellow celebs with her blazing beach photo

Ang sexy naman kasi! Celebrities react to Mikee Quintos' blazing beach photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel