Anak ng construction worker proud na proud na makatapos sa kolehiyo

Anak ng construction worker proud na proud na makatapos sa kolehiyo

-Sa isang facebook post proud na ibinahagi ng isang netizen kung paano niya napagtagumpayan ang kanyang pagaaral sa kabila ng mga hamon ng buhay

-Proud din ito na ibahagi ang trabaho ng kanyang ama na isa sa mga pinasasalamatan niya para makamit ang kanyang natapos

-At kahit pa nga mahirap ang pinagdaanan ramdam sa kanyang post na masayang-masaya ito sa kanyang narating

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang post, ibinahagi ng netizen na si Cealline Griarte ang kanyang mga pinagdaanang hir

ap para lamang makamit ang minimithing diploma.

Sa post na may titulong: "Ako'y anak ng isang construction worker", idinetalye nito ang istorya simula nang siya'y makatapos pa lang ng high school.

Ayon kay Griarte, dahil sa salat sa buhay maaga niyang natutunan na kailangan niyang tumindig sa sariling paa kahit pa 'di sila pinapabayaan ng mga magulang.

Pinagsumikapan niyang makatapos ng may honors at napagtagumpayan niya naman ito ng magtapos bilang salututorian sa high school.

Para makapagpatuloy sa kolehiyo, kailangan niya ng full scholarship at 'di naman siya nabigo dahil nakahanap siya ng eskwelahan na makapagbibigay sa kanya nito.

Ngunit pagkatapos ng 2 taon ay hindi na pumasok ang kanyang grado para makakuha muli ng full scholarship kaya napilitan siyang mag-trabaho kasabay ng pag-aaral.

Kwento pa nito, napakahirap para sa kanya na isang regular student na maging working student. Kadalasan ay kulang sa tulog at stress sa trabaho bilang call center agent.

Nang makaramdam ng panghihina ng katawan, napilitan siyang magbitiw sa trabaho at mag-apply muli ng scholarship sa pamamagitan ng pagiging student assistant.

Hindi katulad ng siya ay call center agent, nagkaroon na siya ng pagkakataon na makapahinga kahit paano.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit noong siya ay nasa huling sem na at hindi na pwedeng maging student assistant, muli siyang nag-apply ng scholarship at sa awa ng Diyos ay nakapasa siya.

Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang at pamilya. maging ang mga taong naging parte ng kanyang journey sa pagaaral.

Ayon sa kanya, ibinahagi niya ang kanyang karanasan hindi para magyabang kundi para ipaalala sa mga katulad niya na maraming paraan para makapagpatuloy sa pagaaral.

Isa si Cealline Griarte sa mga kahanga-hangang estudyante o tao na nagsumikap sa kabila ng kakulangan sa buhay.

Sa isa pang ulat ng KAMI, ibinahagi rin namin ang istorya ng isang estudyante na hindi ikinahiya na siya'y nangungutang para sa tuition at sa wakas ay nakatapos na rin.

Saludo ang buong KAMI sa'yo at buong-puso ka naming binabati!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel