Kapuso Cain at Abel, taob raw?! FPJ's Ang Probinsyano, dumoble daw ang ratings

Kapuso Cain at Abel, taob raw?! FPJ's Ang Probinsyano, dumoble daw ang ratings

- Sa kabila ng kontrobersiya na kinasasangkutang ng FPJ's Ang Probinsyano ng Kapamilya network at pagdating ng Cain at Abel sa Kapuso, nanatili pa rin raw nangunguna ang una

- Pinalabas na ng Kapuso network ang bago nilang pambato sa primetime na Cain at Abel na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo pero tila hindi pa rin raw gumana

- Nagpalabas ng TV ratings ang Dreamscape noong Martes at ibinahagi ito nila sa kanilang social media, makikita na hindi pa nangalahati sa ratings ang Kapuso sa Kapamilya

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila hindi pa rin natitinag ang charisma ni Cardo, ang papel na ginagampanan ni Coco Martin simula 2015 sa Kapamilya primetime series, ang FPJ's Ang Probinsyano, at kahit dumating na sina Cain at Abel ng Kapuso na pinagbibibdahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ay hindi pa rin raw natinag si Cardo.

Napag-alaman ng KAMI na kahit sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng Ang Probinsyano at ang bagong timpla na hatid ng Dingdong at Dennis tandem ay tumabo pa rin sa TV ratings ang Kapamilya show.

Ani pa sa balita ng ABS-CBN News, nanatili pa ring king of primetime si Coco Martin at ito ay ayon raw sa nationwide ratings ng Kantar Media.

Pagpapatuloy pa ng balita, palong palo umano sa national TV rating ang FPJ's Ang Probinsyano noong November 19, dahil nakakuha raw ito ng 40.1% mas mahigit pa sa doble ng ratings ng Cain at Abel, na 17.6% daw.

Inanunsyo raw ito ngayong Martes, November 20, 2018, ng Dreamscape Entertainment Television, ang production unit ng ABS-CBN na nasa likod ng Ang Probinsyano.

Gayunpaman, trabaho nga lang ito at walang personalan dahil nagpalitan raw ng mga magagandang salita sina Coco Martin at Dennis Trillo sa social media.

Consistent na raw ang top-rating TV show simula nang ipalabas ito noong 2015, despite sa latest isyu with PNP.

Kamakailan lang ay ibinahagi namin ang tungkol sa balitang pagpapatigil agad-agad ng suporta ng Philippine National Police sa Ang Probinsyano.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel