Salamat po! American family, umampon ng batang Pinoy na walang mga paa at kamay

Salamat po! American family, umampon ng batang Pinoy na walang mga paa at kamay

-Tagos sa puso ang istorya ng mga-asawang Stewart na dumayo pa sa Pilipinas para ampunin at kupkupin ang 1 batang walang mga paa at kamay

-Taong 2015 nang lumipad sa Pinas ang mag-asawa upang personal na makita ang batang si Maria na noo'y 6 na buwan pa lamang

-Bukod rito mayroon pa silang anak na lalaki na isa ring Pinoy at binabalak pang umampon muli ng 9 na taong gulang na may special needs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dakila ang pagmamahal ng mag-asawang Adrianne and Jason Stewart na nagpakita ng kanilang pagkamagulang sa kanilang mga anak kabilang ang isang batang Pinoy na walang mga kamay at paa.

Taong 2015 nang lumipad papunta sa Pilipinas ang mag-asawa upang personal na makita ang 6 na buwang sanggol na si Maria.

Salamat po! American family, umampon ng batang Pinoy na walang mga paa at kamay

Photo source: Coconuts Manila
Source: Facebook

Ayon sa mag-asawa ay nabihag sila sa angking ganda ng bata at magagandang ngiti.

“It took a lot of courage and faith, but we decided that we were going to adopt her,” ani ng mag-asawa.

Ngayon ay 3 taong gulang na ang batang si Maria.

Kahit pa daw may kakaibang kondisyon si Maria ay tulad din daw ito ng mga batanng kasing-edad nito.

“We really don’t even see her as having a disability anymore. She is just our daughter and even though she may have to learn to do things a little different than everyone else, she is still doing the same things as all the other kids,” kwento ni Adrianne.

Tulad ng ibang bata ay mahilig din si Maria sa mga stuffed toys at sa musika at madalas na sumayaw sa mga 80's beats.

Bukod kay Maria ay may isa pa silang anak na Pilipino rin at 6 na taong gulang na. Mayroon silang 2 biological na mga anak na babae.

“Her brother loves to play with her and I help him come up with ideas on how to better include her in whatever he is playing with. Her sisters are wonderful with her and love teaching her how to do things,”

Salamat po! American family, umampon ng batang Pinoy na walang mga paa at kamay

Photo source: Coconuts Manila
Source: Facebook

Matyaga ding tinuturuan ni Adrianne na gawin ang mga bagay na maaari at kaya nitong gawin mag-isa.

“She loves to do things on her own and gets a huge smile on her face and is so excited when she finally is able to do something completely on her own. It is so inspiring to see and brings me a lot of joy also,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pumapasok rin si Maria sa isang pre-school at regular na pumupunta sa ospital kung saan binibigyan ito ng speech therapy at occupational therapy.

Dahil dito, mas natutunan daw ng pamilya ng Stewart na mas maging ma-pasensya at maging maalaga sa bawat isa.

“There are so many orphans all over the world and all of them deserve love and a family. It doesn’t matter if they have special needs or are healthy or if they are older children or younger children. They all need a family,”

“Being able to love is really what matters most when considering adoption,” ani Adrianne.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping

Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping

Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel