Nagreact ang mga netizens sa pagbisita ng Chinese president sa Rizal Park

Nagreact ang mga netizens sa pagbisita ng Chinese president sa Rizal Park

- Unang binisita ni Chinese President Xi Jinping ang Luneta Park

- Nagbigay pugay siya sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal

- Umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumating na sa Pilipinas ang Presidente ng China na si Xi Jinping. Nalaman ng KAMI na bumisita ang Chinese president sa Luneta Park upang magbigay pugay sa pambansang bayani ng Pinas na si Jose Rizal.

Nag-alay din ng wreath o korona si Xi sa pambansang bayani at ito ang kanyang unang pinuntahang kaganapan sa Pilipinas. Kasama niya sa event na ito si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at Finance Secretary Carlos Dominguez.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ilang minutong nanatili si Xi sa Luneta Park at saka siya tumungo sa Malacañang upang kitain si Pangulong Rodrigo Duterte. Giit din ni Xi na proud ang China dahil may pinagsamahan si Rizal at ang China.

“The ancestors of José Rizal, national hero and founding father of the Philippines, came from Jinjiang of China’s Fujian Province,” sabi ni President Xi.

Ayon din sa balita ng Manila Bulletin, kasama si Rizal sa ika-22 na henerasyon ng pamilang Ke sa China. Great-great grandfather daw ni Rizal si Domingo Lameo o Ke Yi Nan na pumunta naman sa Pilipinas.

Samantala, may mga reaksyon naman ang netizens sa pagbisita ni Xi sa Luneta Park. Narito ang mga komento nila sa Facebook page ng Manila Bulletin:

“Ako personally, di ko gusto si Xi Jin Ping dahil sa pang aangkin nila sa mga isla sa WPS. Pero head of state sya na bumisita satin. Hindi dapat natin binabastos ang bisita. Respeto lang..”
“THIS IS A SIMPLE SIGN OF "RESPECT" that this goverment already FORGOTTEN including the people of the Philippines except for the maralita.”
“Baka si Rizal aagawin din nila”
“Thats hypocritical. He respects our hero but openly stole our islands. And dont forget, he also grabs land from India, Vietnam, Japan, and even took over Tibet. Although most of my countrymen love you xi, true citizens know what you are, the worlds top thug.”

Nauna nang ibinalita ng KAMI na nakarating na si President Xi sa Pilipinas para sa kanyang two-day state visit. Ilang oras nga bago makarating ng bansa ay lumabas ang resulta ng SWS survey kung saan ipinakita na “poor” ang trust ratings ng mga Pilipino sa China.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Saan Aabot Ang Bente Pesos Mo? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel