Nakiuso? Pinay nabiktima ng modus na gumamit ng "cash on delivery" scam

Nakiuso? Pinay nabiktima ng modus na gumamit ng "cash on delivery" scam

-Isang Pinay ang nabiktima umano ng bagong modus na gumagamit ng mga cash on delivery parcel o mga package

-Tila ang mga masasamang loob ay nakikiuso na rin dahil sa mabilis na paglobo ng mga negosyong online

-kaya naman agad na nagbigay ng babala ang Pinay na ito lalo na sa mga madalas na bumili online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na lumobo ngayon ang negosyo online. Kaya naman ang mga negosyante, kanya-kanyang gimik dito.

Ngunit dahil dito ay tila nagka-ideya na rin ang mga kawatan? Panibagong modus ang nadiskubre kamakailan lang sa isang post ng netizen na si Jeshika Yan.

Ayon kay Yan, isang parcel o package umano ang dumating sa kanilang tahanan at kumpleto ang impormasyon tungkol sa kanya.

Ayon dito, buong pangalang at address niya ay nakalista dito.

Agad naman itong tinaggap at binayaran ng kanyang ina sa halagang P1,890.

Laking gulat naman ni Yan nang malamang may dumating na parcel para sa kanya kahit pa wala naman siyang in-order.

Ayon sa kanya, nasa trabaho siya nang mga panahon na iyon at walang gamit na cellphone ang kanyang ina.

Dati na rin daw siyang um-order online kung kaya naman nagtiwala ang kanyang ina lalo pa at may pangalan naman ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lalo siyang nanlumo nang makita ang laman nito. Isang "relaxing hot compress" lamang ang laman nito.

Ayon kay Yan, mukhang ginamit lamang ng mga scammer ang courier na Xpost at seller na shopallyouwant.

Narito ang buong post:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle

Sealed with a kiss! Iza Calzado is now officially Mrs. Wintle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel