Maymay Entrata, niligawan ng sikat na designer para rumampa sa fashion show

Maymay Entrata, niligawan ng sikat na designer para rumampa sa fashion show

- Bukod pa sa pagrampa ni PBB Big Winner Maymay Entrata sa Arab Fashion Show ay may isang sikat na designer rin na gusto syang kuning modelo

- Sa katunayan, ibinahagi nito ang isang larawan sa kanyang social media, kung saan makikita ang Hello Kitty merchandise at pulang mga bulaklak, na may greeting card pa

- Nilagyan pa ito ng caption na nagpapahayag ng kanyang kagustuhan na makita si Maymay na rarampa sa kanyang upcoming fashion show

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Super bongga na nga ni Maymay Entrata ngayon, mula sa pagiging Pinoy Big Brother Season 7 Big Winner ay isang fashion model na ang beauty ng dating housemate sa Bahay ni Kuya.

Nakita ng KAMI ang naturang bonggang panliligaw post ng naturang prominent fashion designer na si Rajo Laurel.

Ibinahagi niya ang super cute at bonggang regalo para kay Maymay na iniimbitihan nito para rumampa sa kanyang upcoming Rajo x Hello Kitty collection fashion show.

Nagpadala nga si Rajo sa aktres at ngayon ay modelo na rin ng isang special Hello Kitty package, na may pulang bulaklak pa at isang special note para kay Maymay at ang mensahe nito.

Ani ng Filipino fashion designer:

"Sending you some Hello Kitty love! I know you love Hello Kitty...still praying that you will one day walk in my fashion show. Till then sending you [my] admiration."

Ayon pa sa timestamp, ipinadala ito Rajo kaninang umanga, November 20.

Papunta raw ng Dubai si Maymay para rumampa sa Furne One's Amato Couture show na kabilang sa 2018 Arab Fashion Week.

Bongga naman talaga dahil ito talaga ang kauna-unahang legit modeling gig ni Maymay sa international stage.

Bukod pa rito, meron ding MMFF film ang dating PBB housemate ang Fantastica.

Malayo na talaga ang narating ng dating housemate sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother na si Maymay Entrata.

POPULAR: Read more news about Maymay Entrata here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel