Misis, close na raw sa kabit ng mister na kasama rin nila sa iisang bubong

Misis, close na raw sa kabit ng mister na kasama rin nila sa iisang bubong

- Binahagi ng isang naiibang pamilya sa Butuan, agusan Del Norte ang kwento kung paano nagsama ang misis, mister at kabit nito

- Mahirap sa una ngunit naging matalik na magkaibigan ang misis at isa pang babae ni mister na kasama nila sa iisang bubong

- Bagaman at nagkasala sila sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, wala raw balak magsampa ng kaso ang misis na natanggap na lamang ang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsimula ang lahat nang mag-viral ang video na dumulog sa Radio Butuan dahi sa di matapos tapos na paggawa ng daan sa kanila. Ito ang naging rason para mapag-usapan ang personal na buhay ng lalaki.

Ang lalaki raw na ito ay may dalawang misis na kasama mismo niya sa iisang bubong. Nakilala ang lalaking ito na si Junior Boligor at ang legal niyang misis na si Tess at ang isa pa niyang kinakasama na si Gena.

Kwento ng legal na asawa, tinanggap na lamang daw niya ang babae ng kanyang mister sa takot na di niya makikita ang mister sakaling sumama ito sa iba.

Nakatira sa iisang bahay sa Butuan, Agusan Del Norte ang pamilya Dalawang taon na silang ganito ang sistema.

Kwento ni Junior, di niya ito kinahihiya dahil sa pareho naman daw niyang mahala ang dalwang babae.

Parehong naghahanda ng pagkain ang dalawang misis, sabaysabay silang kumain at sama-sama rin silang nagtatrabaho sa bukid. At syempre, magkakasama rin nilang inaalagaan ang kanilang mga anak.

Pagdating naman sa pagtulog, katabi ni Tess ang mga anak, habang ang katabi naman ni Junior at si Gena.

Kwento pa ni Junior, pareho lang naman daw ang nararamdaman niya sa dalawang babae sa kanyang buhay. Ayaw rin niyang mawala ang isa man sa kanila.

Ngunit siyempre, may pagkakaiba pa rina ang dalawa at may magkaiba rin siyang nagustuhan sa mga ito.

Si Tess daw ang maalaga at mapagpatawad habang si Gena naman ay palaban at walang inuurungan.

Wala na rin daw selosan na nararamdaman ang dalawa katunayan, masasabing close na sina Gena at Tess.

Kung tutuusin, may panunugod pa noong naganap at sabunutan nang malaman ni Tess na si Gena ang babae ng kanyang mister.

Driver ng habal-habal si Junior kung saan naisakay niya si Gena hanggang sa nahulog na ang loob nila sa isa't isa.

Di raw kasi alam ni Gena na pamilyado na pala noon si Junior kaya naman umusbong ang kanilang pag-iibigan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dalawang taon ang lumipas bago nalaman ni Gena na may asawa at anak na pala si Junior. Nakaramdam siya noon ng sama ng loob dahil sa hindi pala talaga sa kanya si Junior at mali raw ang kanilang ginagawa.

Ang pinsan ni Junior na nagpaalam kay Gena ng sitwasyon nito, ang siyang nagsabi rin kay Tess tungkol sa babae ng mister.

Dahil sa mga pangyayari sinubukang magpakalayolayo na lamang ni Gena. Ngunit hinanap pa rin siya ni Junior at maging si Tess ay kinumbinsi na rin siyang umuwi na lamang sa kanila.

Nang umuwi si Gena, nagsama sila sa ibang bahay ngunit di naman kinalimutan ni Junior ang responsibilidad niya sa kanyang mag-iina. Ngunit makalipas ang siyam na buwan, di raw kinaya ni Tess ang pangungulila sa asawa maging ng kanyang mga anak.

Naisip ni Tess na pauwiin ang mister at kasama na rin si Gena. Masakit man para kay Tess, tiniis niyang lahat iyon sa pagmamahal sa kanyang asawa.

Kung tutuusin, isang krimen na maituturing ang pagkakaroon ng ibang kinakasama ng mister. Maari itong makulong ng ilang taon o magpiyansa depende sa hatol.

Maging ang simbahan din ay nagpaalala na ang ikaanim sa sampung utos ng Diyos, ay ang "huwag kang mangangaliwa" at maging ang ikasiyam na utos na "huwag kang magnanasa sa di mo asawa".

Bagama't alam nilang nilabag nila ang batas ng tao at batas ng Diyos, di raw sumagi sa isip ni Tess na magsampa ng kaso.

Kalaunan kasi ay naging matalik niyang kaibigan ang kanyang karibal at natanggap na rin niya ang kanilang sitwasyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica