Intense! Lino kinumpronta na si Jade pagkatapos sumabog ang video scandal nila ni Ace

Intense! Lino kinumpronta na si Jade pagkatapos sumabog ang video scandal nila ni Ace

- Kinumpronta na ni Lino si Jade tungkol sa video scandal nila ni Ace na nag viral

- Hiningi ni Jade na tanggapin siya muli ni Lino pero sobrang galit ito at tinaboy na si Jade

- “Nandidiri ako sayo,” ang mariing sambit ni Lino habang umiiyak si Jade at nagsusumamong hawakan lang ang kanyang kamay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang mainit na kumprontasyon ang naganap sa pagitan ni Lino (Jericho Rosales) at Jade (Yam Concepcion).

Nalaman ng KAMI na ito’y matapos nag viral ang video scandal nila ni Ace (Sam Milby) at Jade.

Kasama ni Jade si Marissa (Niña Dolino) nang maabutan sila ni Lino.

Unang bumaba si Marissa sa sasakyan at nagsumamo kay Lino na wag daw muna, pero di ito pinakinggan ni Lino.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinanong pa ni Lino kung ano ang papel niya at kung may mabuti siyang naidulot sa kanilang dalawa.

Pinababa ni Lino si Jade sa sasakyan at kinausap.

Ani ng umiiyak na Jade na kahit hawakan lang ni Lino ang mga kamay niya.

Pero di na nakinig si Lino at sinabing buti na lang daw at di nabuhay ang anak nila, kung hindi, makikita niya ang pinaggagagawa ni Jade.

Panoorin ang intense na confrontation scene.

Napahanga ang mga netizens sa galing ni Echo at siyempre, marami pa ring umaaway kay Jade!

"grabe ang galing ni echo.Million thumbs up sayo lino"
"Uy Jade!!!! ANG KAPAL NG MUKHA MO! Hahahahahahahahaha mas bagay pala pag sinabi sa kanya "
"Let's also appreciate the acting skill of Yam, aminin niyo napaiyak din kayo nung sinabi niya kay Lino na hawakan niya yung mga kamay niya."
"I really commend on how this scene was executed... plus the camera shots and the editing plus the musical score and above all... JERICHO ROSALES as LINO was awesome! YAM CONCEPCION as JADE and NINA DOLINO (Bestfriend of Jade) complimented to get this trio acting scene!"
"Putek nasunog yung pandesal na iniinit ko sa oven, nakalimutan ko sa galing ni jericho aka lino A stellar act, lesson for us all married people. Wag maglaro ng apoy. Wag makiapid. Saglit na sarap, gamundong sakit at hirap ang kapalit."

Ang Halik ay isa sa mga pinakasikat na teleserye ng ABS-CBN ngayon.

Ito ay pagkatapos ng Ngayon at Kailanman.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel