Lalaking may kakaibang kondisyon, tumira kasama ang bangkay ng kanyang ina

Lalaking may kakaibang kondisyon, tumira kasama ang bangkay ng kanyang ina

-Isang lalaki mula sa Japan ang napag-alamang tumira kasama ang bangkay ng kanyang ina

-Nadiskubreng ang lalaki ay may kakaibang kondisyon kung kaya naman nagawa nitong tumira kasama ang patay na ina

-Walang napaulat na foul play sa insidenteng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 49-anyos na lalaki sa Japan ang napag-alamang tumira sa kanilang tahanan kasama ang bangkay ng kanyang ina.

Ayon imbestigasyon, nakita ng lalaki na nakahandusay ang ina sa sahig ng kusina. Dahil hindi alam ang gagawin ay dinala niya ang ina sa kwarto nito at inihiga sa kama.

Ang nakababatang kapatid nito ang siyang nakadiskubre sa sitwasyon ng kapatid at ng kanilang walang buhay ng ina.

Bakit ito nagawa ng lalaki?

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nadiskubre na ang lalaki ay may kakaibang kondisyon na tinatawag na “hikikomori syndrome” o isang malalang social problem.

Ang mga may ganitong sitwasyon ay hindi nakakalabas ng bahay o sa mga mas malalang sitwasyon ay 'yung mga taong hindi na lumalabas sa kanilang kwarto.

Maaari itong mangyari sa mga bata o kahit sa mga adult.

Pressure sa kapaligiran ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit nade-develop ito sa isang tao.

Sa kaso ng lalaking ito, posibleng matagal na itong may “hikikomori syndrome”. Hirap itong makipag-usap sa iba.

Sa isang statement na isinulat nito sinabi nitong wala itong magawa kung kaya hinintay na lamang na dumalaw ang kapatid.

“I couldn’t do anything [after my mother died], so I decided to wait until the next time my sister came.”

Isinantabi na rin ng mga awtoridad ang anggulo na may foul play dahil sa kondisyon ng lalaki ay 'di ito makakagawa ng anumang krimen.

Wala ring sugat o tama ang bangkay ng ina nito at maaaring pumanaw sa sakit o natural na paraan.

Ganunpaman, inakusahan pa rin ito ng pag-abandona sa isang bangkay ngunit dahil sa kondisyon nito ay maaaring mapagaan ang sentensya dito.

Sa mga magulang na may mga anak na ganito ang sitwasyon, hindi dapat na mawalan ng pasensya bagkus ay intindihin sila.

Ayon sa pag-aaral sa Japan at Sweden, posible itong magamot paunti-unti. May mga gamot na maaaring ibigay dito o kaya naman ay sa pamamagitan ng jogging.

Maaari ring sumangguni sa mga therapist.

Lalaking may kakaibang kondisyon, tumira kasama ang bangkay ng kanyang ina

Photo source: Getty images / Image of a man with hikikomori
Source: Facebook

Source: The Asianparent

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel