Kuya guard, inakusahan ng pamamalo ng bakal sa 1 matandang pulubi

Kuya guard, inakusahan ng pamamalo ng bakal sa 1 matandang pulubi

-Isang viral video ngayon ang kumalat sa social media kung saan isang guard ang inakusahan n g pamamalo sa pulubi

-Ang mga nakakitang estudyante agad nagbeastmode at ipinagtanggol ang matanda

-Sa video maririnig rin ang ilang beses na pagmumura nito at pag-amba nito sa mga nakaalitang estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang viral video ngayon sa social media, isang komosyon ang naaktuhan sangkot ang isang security guard at ilang estudyante.

Ayon sa caption ng video, naaktuhan ng sekyu ng pamamalo ng bakal umano sa tuhod ang isang matandang pulubi.

Hindi naman nakita ang aktong pamamalo sa matanda sa video. Ngunit makikitang isinuksok ito sa kanyang likuran.

Ngunit ang mga estudyanteng kasagutan nito ay maririnig na paulit-ulit sinabing 'wag sanang mamalo ito.

Tila naubusan na rin ng pasensya ang sekyu at makailang beses na minura ang mga estudyante at may isang parte pa na umamba ito sa mga kasagutan.

Ayon sa sekyu, ilang beses na niyang sinasabihan ang pulubi na 'wag doon matulog.

Hindi na rin nasama sa video kung ano ang nangyari pagkatapos ng argumento.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maaaring ilang beses na ngang sinabihan ng sekyu ang matandang pulubi, ngunit hindi rin malinaw kung nasa maayos bang pag-iisip ang pulubi.

Siguro nga ay ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho ngunit hindi kasama doon ang pananakit.

Sana po ay higit ang ating pang-unawa sa mga taong may ganitong sitwasyon.

Bukas po ang KAMI sa panig ng security guard.

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged video scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel