Lalaking bibili ng almusal, napahiyang namuklat ng pagkain sa isang birthday party

Lalaking bibili ng almusal, napahiyang namuklat ng pagkain sa isang birthday party

- Viral ngayon ang karanasan ng isang lalaki na bibili lang sana ng kanyang almusal ngunit napadpad sa isang Children's party

- Dahil kagigising lamang daw niya, di niya napansin na party na pala ang ikala niyang nagtitinda ng ulam

- Tawang tawa ang mga netizens na nakabasa ng post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laugh trip daw talaga ang post na ito ng isang netizen kung saan binahagi niya ang kanyang "lutang feels" niya sa socmed.

Ayon sa viral post ng netizen na si Hans Camus, bibili lamang sana siya ng almusal. Sa kasamaang palad, sarado ang madalas niyang binibilhan. Kaya naman nang makita niya ang lugar na ito na puro kaldero at iba pang pagkain, agad agad siyang pumunta.

Nakuha pa raw niyang mamuklat ng mga pagkain nang maramdaman niyang pinagtitinginan siya ng mga tao roon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad niyang napansin ang mga lobo at iba pang mga gamit sa party. Bago pa man daw siya sitahin ng mga taong nakatingin, umalis na lamang daw siya at hiyang hiya sa kanyang nagawa.

Samantala, natawa naman ang mga netizens sa tila "bloopers" na pangyayari na ito kay Hans.Para raw kasi itong isang eksena sa isang comedy na pelikula.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"minsan ok rin mag share ng lutang feels at katangahan dame nakarelate thank you sa shares and like guys not expected godbless sainyo laht"
"ganyan talaga kapag bagong gising lutang pa ang isip hahahah"
"Kaloka HAHA. kakahiya buti na lang hindi mo sinabing PABILI PO"
"danas ko to ee..with matching hang over pa ko that time . pota kakahiya talaga hahahah i feel you bro"
"hahaha.. di ko pa nung una na gets haha akala ko ikaw yung may bday bro. hehe talagang inintindi ko ang msg. tapos habang nakatingen sa picture na may incircle. haha ikaw pala ang nag pic. hahaha.. cool ka bro"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel