Kumpirmado na! Manny Pacquiao, lalaban kay Adrien Broner sa Las Vegas

Kumpirmado na! Manny Pacquiao, lalaban kay Adrien Broner sa Las Vegas

- Confirmed na nga ang laban ni Manny Pacquiao at Adrien Broner

- Gaganapin daw ito sa Las Vegas sa MGM Grand Garden Arena sa January 19

- Tila parang homecoming daw ito para kay Pacquiao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo na ang laban ni People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao at Adrien Broner. Nalaman ng KAMI na nais ilaban ni Pacquiao ang titolo para sa WBA world welterweight at kanilang inanunsyo ito sa isang conference sa New York.

Nakahanda na ang laban sa January 19, 2019. Gaganapin daw ito sa Las Vegas sa MGM Grand Garden Arena ayon sa report ng ABS-CBN News.

Kasalukuyang may walong world titles sa iba’t-ibang weight divisions si Pacman. Ang standing niya ngayon ay 60-7 na may 2 drawn at 39 knockouts. Samantala, si Broner naman ay may record na 33-3 na may 1 drawn at 24 knockouts.

Tila namiss naman daw ni Pacman ang lumaban sa Las Vegas na naging “second home” na rin daw niya.

"I have missed fighting in Las Vegas. It has been a second home to me," giit ni Pacquiao.

"Returning to the MGM Grand Garden Arena to defend my world title against Adrien Broner is an exciting way to stage my homecoming," dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Para naman kay Broner, plano raw niyang siguraduhin ang pagreretiro ni Pacquiao na wala ang titolo rito.

"I have paid my dues in this sport, and now it's time for me to get mines," sabi ni Broner.

"I get more views than everybody when I fight. A lot of people are going to see me pack off Pacquiao into retirement, and without his belt," dagdag pa ni Broner.

Dati ngang naiulat ng KAMI na ayon sa boxer na si Terence Crawford, hindi raw “champion” si Pacquiao para sa mata niya. Giit naman ni Pacquiao na takot lang daw ito.

Nagsalita rin si Pacquiao sa rematch nila ni Floyd Mayweather Jr. na posibleng mangyari raw sa May o July sa susunod na taon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Saan Aabot Ang Bente Pesos Mo? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party

Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party

Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel