Exclusively dating?! Vice Ganda, diretsahang sumagot tungkol kay Calvin Abueva

Exclusively dating?! Vice Ganda, diretsahang sumagot tungkol kay Calvin Abueva

- Hindi na nga maawat pa ang kasikatan at tagumpay ng Unkabogable box office phenomenal superstar at It's Showtime host na si Vice Ganda

- Kaya naman pinipray siya ng kanyang mga kaibigan at faney na sana umano pati lovelife ay go na go rin, ayon na rin sa mga komento ng kanyang mga tagahanga

- Dahil dito, nang pumasok sa buhay niya si Calvin Abueva ay marami ang natuwa at nagtatanong daw kung exclusively dating na ba sila ng basketbolista

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nitong weekend umano, nagbukas raw ang It's Showtime host na si Vice Ganda ng kanyang latest cosmetics business branch sa isang mall sa Taguig at naging successful naman daw ito, ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI.

Ani pa ng ABS-CBN News, mistulang parang isang opening day ng kanyang pelikula sa Metro Manila Film Festival dahil sa sobrang rami ng faney na pumunta sa naturang lugar para lang masilip at makita ang Unkabogable Phenomenal Superstar nang personal.

Pagpapatuloy pa ng balita, kitang kita ra ang masayang aura ni Vice Ganda ngayon dahil sa personal na buhay niya umano, at ito raw ay dahil sa kanyang kaibigan na si Calvin Abueva.

Saad pa ni Vice:

"'Yung friendship niya sa akin, pinapasaya ako noon. At 'yung relationship ko with him and his family na napakabait sa akin, ayun, masaya ako doon."

Dugtong pa niya:

"At panatag ang loob ko, hindi katulad dati na kapag may kasama akong kaibigan, natatakot ako. Kapag nakikita kami ng ibang tao sa labas ay 'yung palagi kaming kubli nang kubli. Ngayon, may kapayapaan ang puso ko, wala akong iniisip."

At sa nasabing panayam, itinanong sa kanyang ang tungkol kay Calvin at ang pinag-usapang adobo na niluto at pinadala ng basketbolista sa kanya sa It's Showtime.

Masayang pagbahagi ni Vice:

"Ang sarap nung adobo, in-enjoy ng buong 'Showtime,' pati 'yung staff tumikim. Siya ang nagluto noon, pati kanin siya. In-IG niya 'yun, niluto niya sa pugon kasi nagluluto talaga siya."

Dito rin nilinaw ni Vice ang kung ano man raw ang namamagitan sa kanya at kay Calvin.

Saad nito:

"Ay, hindi kami exclusively dating, hindi kami ganun."

Bukod sa It's Showtime at GGV, at sa pagbukas ng bagong branch ni Vice Ganda ay meron na naman siyang entry sa Metro Manila Film Festival ngayong kapaskohan.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel