Driver na na-stroke, siniguro muna ng ambulansiya na may pera ito bago i-ospital

Driver na na-stroke, siniguro muna ng ambulansiya na may pera ito bago i-ospital

- Na-stroke at inatake sa puso ang isang Grab driver na sususndo sa kanyang pasahero

- Na-cancel ang booking bago pa man inatake sa puso ang driver

-isang oras na Bago pa man dalhin ng ambulansiya ang driver, siniguro pa raw ng mga ito na may laman ang wallet ng driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng isang netizen na nagsisi at di natulungan ang Grab driver na na-stroke na pala at inatake sa puso.

Una nang naibalita ng KAMI ang salaysay ng netizen na si Sid Maderazo patungkol sa Grab driver na na-book nila ngunit kakaiba na itong magsalita.

Inakala nilang lasing ang driver kaya napilitan silang ikansela ang booking. Huli na nang malaman ng nag-book na ang inakala niyang lasing na driver ay nakararanas na pala noon ng stroke habang kausap siya. Ito rin ang dahilan bakit hirap na itong magsalita.

Kwento ng gwardiya ng village ng nag-book, inatake raw sa puso ang driver at dinala ng ambuansiya sa ospital.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit, nagbigay ng update ang kilalang newscaster na si James Deakin patungkol sa totoong nangyari sa driver.

Napag-alaman na ang pangalan nito ay Rudy Salvo. Kwento ng guwardiya ng subdivision, nakita pa nilang nakahawak sa rosaryo na nakasabit sa rear view mirror ang driver at sinubukan pa nitong buksan ang cellphone nago ito natuluyang nawalan ng malay.

Ang masaklap pa sa nangyari, isang oras pa bago dumating ang mabulansiya. Bago pa tuluyang dalhin ang driver sa ospital, tiningnan pa raw ng may dala ng ambulansiya ang wallet ng driver at siniguradong may pera para madala sa ospital.

Nakalulungkot lamang isipin na isang buhay ang nawala dahil sa di inaasahang kapabayaan gayung naisabatas na bawal manghingi ng deposito ang ospital lalo na kung agaw buhay ang pasyente.

Umaasa ang mga netizens na nakabasa sa viral post na ito na kahit paano ay mabigyan ng tulong ang pamilya na naiwan ng driver na marahil umaasa rin sa kanya.

Magsilbing aral din daw ang pangyayaring ito lalo na sa pagsasaalang-alang ng buhay ng taong nangangailangan ng tulong.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates

Kaloka-like! Mga netizen approved celeb look-alikes ng Miss Universe 2018 candidates
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel