Estudyante na madalas ipangutang ang tuition fee, nagtapos sa kolehiyo

Estudyante na madalas ipangutang ang tuition fee, nagtapos sa kolehiyo

-Pagkatapos ng mahirap na pakikipaglaban sa buhay-college, nakatapos na sa wakas si Christian Jeanoe Lopez Losa

-Dahil salat sa buhay at ang ama lamang ang nagtataguyod sa kanilang pamilya, madalas na mangutang si Christian para ipambayad sa tuition fee

-Sa isang FB post, ibinahagi nito ang naging karanasan para lamang siya ay makatapos sa pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang facebook post, ibinahagi ni Christian Jeanoe Lopez Losa ang kanyang karanasan para makatapos siya ng kolehiyo.

Ang ama na lamang na isang overseas Filipino worker (OFW) ang siyang nagtataguyod sa kanya at sakanyang kapatid dahil pumanaw na ang kanilang ina.

Kahit na OFW ang kanyang ama, hindi pa rin daw ito nakasasapat upang matustusan ang kanilang pangangailangan kung kaya naman madalas silang kapusin.

Sa loob daw ng 4 na taon ay 1 beses pa lang siyang nakabayad ng buo sa tuition fee at madalas din daw siyang makita sa school registrar habang pumipirma ng promisory note.

Madalas din daw siyang mangutang sa mga kamag-anak o kaibigan para lamang may maibayad sa tuition fee.

Kaya naman kapag may ipinadala na ang kanilang ama ay agad niya itong ibinabayad sa eskwelahan o kaya naman ay sa mga taong pinagkakautangan.

May pagkakataon din daw na nagkukusa na siyang lumabas sa classroom kapag oras na ng exam upang hindi na siya matanong kung bakit wala pa siyang permit para makapag-exam.

Hindi rin niya nakalimutan ng minsang bigyan na rin siya ng pera pambili pagkain ng mga kaibigan.

Maging ang 5/6 ay pinatulan na rin daw niya.

Kapag malapit na raw ang araw ng kanilang exam ay mas dodoblehin na niya ang tyaga na manghiram mula sa mga kakilala.

Ngunit lahat ng ito ay tinyaga niyang mabayaran paunti-unti hanggang sa matapos ang lahat ng kanyang utang.

Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang kanyang pamilya na tumulong sa kanya lalo na ang amang nagsakripisyo para sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman pangako niya sa kanyang ama, ngayong nakatapos na siya ay siya naman ang tatayo para sa kanilang pamilya.

Pinasalamatan din niya ang mga taong tumulong at nagpa-utang sa kanya. Ayon dito, habang-buhay niyang tatanawing utang na loob ang lahat ng ito.

Payo niya, huwag magpaapekto sa mga kakulangan sa buhay dahil palaging may paraan.

Ipinaalala din nitong 'wag kalimutan anuman ang inutang.

Tunay ngang nakakabilib ang istorya ni Christian na sa kabila ng kapos na pamumuhay ay pinilit pa ring itaguyod ang sarili upang makatapos sa pag-aaral.

Source: Daily Pedia

Estudyante na madalas ipangutang ang pag-aaral, naka-graduate na

Photo source: Daily Pedia
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Mommy, agaw-pansin ang ganda

Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Mommy, agaw-pansin ang ganda

Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Mommy, agaw-pansin ang ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel