Pasahero sana ng Grab, labis na nagsisi at nakonsensya sa pagkansela ng booking

Pasahero sana ng Grab, labis na nagsisi at nakonsensya sa pagkansela ng booking

- Binahagi ng isang nag-book ng Grab kung paano siya nakonsensya nang kanselahin niya ang isang booking

- Tila hirap daw magsalit ang driver sa una pa lang niyang pagkausap dito kaya dun pa lang nagduda na siya

- Nagdesisyon siyang kanselahin na lamang ang booking ng sasakyan, ngunit di niya inaasahan na makakasalba sana siya ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na binhagi ng netizen na si Sid Maderazo ang di niya malilimutang karanasan sa Grab.

Ayon sa post na binahagi rin ni James Deakin, nagbook si Sid ng Grab para sa kanyang yaya.

Nang tumawag ang driver, di na niya agad nagustuhan ang tono ng pananalita nito na para bang pasigaw. Nagtatanong umano ito ng direksyon patungo sa lokasyon nina Sid.

Dahil sa di niya maintindihan ang sinasabi ng driver, tinapos na lamang niya ang tawag at inantabayanan na lamang ito sa locator sa kanyang cellphone paggamit ang Grab.

Nang makita niyang malapit na ito sa gate ng subivision,tinawagan niya muli ito ngunit, mas lalong naging malala ang pananalita nito na tila hirap na hirap. Inakala ni Sid na lasing ang driver kaya nagpasya siyang ikansela na lamang ang booking.

Irereklamo pa sana niya ang driver ngunit pinagpabukas na niya iyon. Bago pa man niya ito magawa kinabukasan, nalaman niyang inatake pala sa puso ang driver at habang ito ay patungo sa lugar nina Sid ay nakararanas na ito ng stroke.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, naisipan na ng netizen na tawagan at kumustahin ang Grab driver. Di na ang driver ang sumagot kundi isang babaeng umiiyak at sinabing "Wala na po si Papa..."

Magsilbing araw daw ang sitwasyon na ito na huwag agad manghusga sa isang tao. Maaring may pinagdaraan lamang daw ito o gaya ng driver, mayiniinda na palang karamdaman.

Samantala, sa comments section nagbigay ng update si James Deakin at doon nalamang Rudy Salvo ang pangalan ng namayapang Grab driver.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
20-year-old son takes mom's jewelries and gives it to his Facebook girlfriend

20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook

20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel