Labis na pagtulog, nakakasama rin sa kalusugan
- Masama sa kalusugan ang kulang sa tulog ngunit masama rin pala ang labis na pagtulog
- 5 hanggang 9 na oras lamang ang dapat na oras ng tulog ng isang tao at kung lumagpas na dito, mas di magandang epekto na ito sa iyong katawan
- May kinalaman sa sakit sa puso at dugo ang labis na pagtulog
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Madalas nating marinig na sanhi ng mga sakit ang kakulangan sa tulog. Ngunit, lingid sa ating kaalaman na nakasasama rin pala ang labis na tulog.
Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay Dr. Patrick Gerard Moral, isang eksperto sa sleep medicine at associate professor sa UST Faculty of Medicine and Surgery, nakasasama rin sa ating kalusugan ang sobra sobrang pagtulog.
Lima hanggang siyam na oras lamang ang oras ng ating tulog. Dahil dito, gumaganda ang daloy ng dugo sa ating katawan lalo na kung maayos ang ating pamamahinga.
Kung mayroon ding sapat na tulog, pangontra daw ito sa pagdagdag ng timbang at siyempre iwas sa pagkakaroon ng eyebags.
Kung kulang naman sa tulog, makikita raw ito sa balat. dumarami raw kasi ang cortisol na nagsisilbing steroid na ating katawan. Pag dumami iyon, dahilan ito ng pagtaas ng presyon at paggaspang ng balat at pagkakaroon ng pimples.
Lahat ng sobra ay nakasasama, kaya naman kung nasobrahan naman daw sa tulog ang tao, maari mas delikado itong magkaroon ng cardiovascular diseases o anuman sakit kaugnay ng puso at ugat.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Payo rin ng eksperto, kung di nakumpleto ang 5 hanggang 9 na oras sa gabi, maaari naman mag-"power nap" o pag-idlip.
Huwag lamang daw lalampas sa 20 haggang 30 minutos ang pag-idlip. Saganitong paraan, gumagaan ang pakiramdam at tipong nare-recharge ang ating katawan
Iwasan din daw ang gadgets na pampaantok, maari raw di maging mahimbing ang ating pagtulog kung gagamit tayo nito dahil sa ang ilaw nito ay nakakababa ng hormone sa utak o melatonin kaya mas lalo tayong hindi antukin
Siguraduhing mahimbing dain ang tulog. Kung magaan ang pakiramdam sa paggising, nangangahulugan lamang na maayos ang iyon gtulog at kung pakiramdam ay pagod parin kahit kakagaling lamang sa tulog, di naging maayos ang iyong pagpapahinga.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?
Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh