MTRCB, nagsalita na sa isyu ng PNP at ‘Ang Probinsyano’

MTRCB, nagsalita na sa isyu ng PNP at ‘Ang Probinsyano’

- Nagsalita na ang MTRCB sa isung kinasangkutan ng PNP at Ang Probinsyano

- Giit ng MTRCB ay hindi raw nila trabaho ang pagkakansela ng isang programa

- Magsasagawa rin daw ng isang meeting pa ang MTRCB, PNP, DILG at Ang Probinsyano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay na ng komento ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa isyu ng Philippine National Police (PNP) at ABS-CBN teleserye ‘Ang Probinsyano’. Nalaman ng KAMI na ayon sa pinuno ng MTRCB na si Rachel Arenas ay wala silang kapangyarihang magkansela ng anumang palabas.

Dagdag pa ni Arenas, ang trabaho lang daw ng MTRCB ay mag review at magbigay ng classification sa mga palabas. Hindi rin daw sila nagse-cenor, ayon sa payanam ni Arenas sa DZMM. Kung sakaling nais daw ipakansela ang isang programa ay dapat daw ihain ito sa korte.

"Nasabi rin naman po namin, kasi kaming MTRCB, hindi kami nagse-censor," giit ng head ng MTRCB.

"We cannot also prohibit negative depictions kasi we are sort of a bridge doon sa constitutionally protected freedom of expression, and also the right of the state to regulate," dagdag niya pa.

Sinabi rin ni Arenas, noong 2016 pa man ay patuloy ang dialogue nila ng pulisya at Ang Probinsyano. Nagsagawa na rin daw sila ng conference kasama ang dalawang kampo at nag-suggest silang kumuha na lamang ng consultant ang teleserye mula sa PNP.

“Actually nagkaroon kami ng conference na nandoon ang 'Ang Probinsyano' at ang PNP. In fact, ang suggestion, ang napag-usapan, 'bakit hindi kayo kumuha ng adviser o consultant from PNP para alam pati ang uniform na isusuot, kung ano ba ang tama?' [Kunyari] 'Tama ba 'yung star na nasa uniform?' Kasi that's one of their concerns also," sabi ni Arenas.

“In fact, because of those dialogues, it resulted in a memorandum of understanding. That was already sent to the PNP for their comments and approval. Actually, kapag may nare-receive kami kunwari na mga reklamo o mga observation nila ay agad kaming nagse-set ng dialogue with either ABS-CBN or PNP. And the last was on October 17,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Magsasagawa raw ng isa pang meeting ngayong linggo ang MTRCB kasama na rin ang PNP, DILG at Ang Probinsyano team.

Nauna nang naibalita ng KAMI na ayon din sa isang lawyer na si Romulo Macalintal ay isang censorship at atake sa freedom of expression ang gagawin ng pulisya kung sakaling ituloy nila ang pagsampa ng kaso laban sa Ang Probinsyano.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Saan Aabot Ang Bente Pesos Mo? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Fumiya’s birthday surprise in Pinoy Big Brother Otso goes viral

Fumiya’s birthday surprise in Pinoy Big Brother Otso goes viral

Fumiya’s birthday surprise in Pinoy Big Brother Otso goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel