Alex Gonzaga, umamin umano na humingi raw siya ng tulong sa life coach

Alex Gonzaga, umamin umano na humingi raw siya ng tulong sa life coach

- Kamakailan nga ay napag-usapan si superstar vlogger Alex Gonzaga sa guesting ni Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga sa week long anniversary ng TWBA ni Tito Boy

- Dito ay nabanggit ni Toni ang paghire ng kanyang nakakabatang kapatid na si Alex ng isang life coach

- At sa pagpirmang muli ng kontrata ng mag-sissums Toni and Alex Gonzaga ay inamin umano ng huli na humingi daw siya ng tulong sa life coach at ibinahagi ang dahilan diumano

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa pagrenew ng kontrata ni Alex Gonzaga sa ABS-CBN ay naitanong sa kanya ang tungkol sa rebelasyon ng kanyang ate Toni Gonzaga sa Tonight With Boy Abunda (TWBA), kung saan naisiwalat ng huli ang tungkol sa ginawa noon ni Alex.

Inamin naman daw ito ni Alex Gonzaga, na napag-alaman ng KAMI.

Tugon umano niya sa tanong ng push.com.ph:

“I just needed another point of view, pero parang ano din ‘yun e, self help healing, parang self-medication mo na din siya."

Pagpapatuloy pa ni Alex, maganda naman daw ang epketo ng kanyang pagkonsulta sa isang life coach.

“Okay naman, kasi I just needed another perspective, I just needed someone to tell me. Kasi feeling ko kapag kapamilya ko ‘yung nagsasabi sa’kin sila, parang either they are criticizing me or judging me."

Sa pagtatapos ng naturang panayam, namamangha raw na ikinwento ni Alex ang karanasan na iyon.

Saad umano niya:

“So parang kapag kinu-kuwento mo sa kanya (coach) parang doon mo lang nare-realize na ‘Oo nga’ na doon mo lang nakikita habang kinuwento mo. Ewan ko, ang galing niya."

Kasabay na pumirma ng bagong kontrata ang kanyang ate Toni Gonzaga at certified Kapamilya stars pa rin sila ng kanyang sissums.

Makikita ngayon si Alex kasama ng kanyang mga Star Hunt co-hosts Kim Chiu, Robi Domingo, at Melai Cantiveros at siyempre, ang reyna ng longest-running reality TV show ng serye ng totoong buhay na si Toni Gonzaga sa Pinoy Big Brother 8 o PBB: Otso.

At mapapanoond rin sila ng kanyang ate with Sam Milby at laughtrip na mga barkada na sina Bayani Agbayani, Melai Cantiveros, at Moi Bien sa MMFF ngayong December 25, 2018.

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga, o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex.

Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017.

Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

POPULAR: Read more news about Alex Gonzaga here, and also Toni and Alex Gonzaga here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook

20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook

20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel