Michael de Mesa, nakipaglaban sa deadly disease na maaaring nakuha sa ear piercing

Michael de Mesa, nakipaglaban sa deadly disease na maaaring nakuha sa ear piercing

- Sa loob ng 18 taon, nakipaglaban si Michael de Mesa sa Hepatitis C

- Ayon sa aktor, ang kaniyang ear piercing noong 1997 ang maaaring sanhi ng kaniyang pagkakasakit

- Nitong December 2017 lamang gumaling si Michael sa tulong ng asawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkwento si Michael de Mesa ukol sa nakamamatay na karamdaman na nilabanan niya sa loob ng 18 na taon.

Nalaman ng KAMI na ang sakit ng aktor ay Hepatitis C.

Ayon sa PEP.ph, ang Hepatitis C ay maaaring makuha sa contaminated na dugo, injections, o iba pang matalas na gamit na may natuyong contaminated na dugo.

Sinabi ni Michael na ang kaniyang pagpapa-ear piercing ang kaniyang main suspect sa pagkakaroon ng Hepa C.

“Although earlier in my past life, I did drug$, but I never used needles moreso, shared it.

“The next suspect could have been manicure pedicure, that’s one possibility.

“So ang pinaka-suspect ko could have been in 1997, when I had my ear pierced in a mall in Texas using a staple gun. Minsan kasi there’s also that possibility na dumugo yung butas ng tenga mo, e.

“And then again, maaring ginamit sa iba, dumugo, natuyo, and then ginamit sa akin,” kwinento niya sa PEP.ph.

Ilang taon siyang naghanap ng kagalingan pero kamakailan lang siya nakahanap ng gamot na kaya niyang ma-afford.

“Again due to my wife’s persistence, God bless her heart talaga, she never stopped researching… She found this gentleman online who got cured of the Hep C virus, so she got in touch with him.

“We communicated with him and we were talking about the generic version of Harvoni. He said, ‘Try it. Maybe you can find out what your genotype is,’ which I did.

“That’s when I found out that my genotype was 1A. We ordered the medicine. It was a lot cheaper. It was a 1,000 dollars for three months.

“I started treatment in November 2017. Each bottle contained 28 tablets which I took every day.

“After the first bottle, nagpa-blood test ulit ako, had my viral count checked again and, lo and behold, my viral count went down from 36M to 2000,” paliwanag niya.

Noong December 2017 lamang lubusang gumaling si Michael sa kaniyang sakit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Michael de Mesa ay isang beteranong aktor na kapatid nila Cherie Gil at ng namayapa ng si Mark Gil.

Ang dati niyang asawa ay si Gina Alajar pero kasal na siya ngayon kay Julie Reyes, isang dancer.

Nagkaroon sila ng tatlong anak ni Gina – ang mga aktor na sila Ryan, Geoff at AJ Eigenmann.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel