Dahil sa 'di nakontrol na galit, grade 4 student sinilaban ng ina

Dahil sa 'di nakontrol na galit, grade 4 student sinilaban ng ina

-Nakakalungkot na balita, isang grade 4 na estudyanteng babae ang sinilaban ng sariling ina dahil lamang sa 'di napigil na galit

-Maging ang isa pang kapatid ng biktima ay nagtamo rin ng sunog sa katawan na nakaapekto sa puso nito

-Ang ama nng mga bata ay hindi makapaniwala na dahil lamang sa 'di nito nakontrol ang galit ay nagawa nito ito sa mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ulat ng Detik.com isang grade 4 na estudyanteng babae ang binuhusan ng gasolina at tsaka sinilaban ng sarili nitong ina.

Ayon sa police report, September 12, 2018 nang maganap ang karumal-dumal na krimen. Hinahanap daw ng suspek na kinilala lamang sa pangalang Olga ang kutsilyo.

Nang tanungin nito ang 2 anak ay nanatili lang ang mga itong tahimik. Doon na nagsimulang magalit ang suspek.

Hinila daw nito ang buhok ng kanyang anak na si Jessica at tsaka isinalya sa pintuan. Kinuha rin daw nito ang galon ng gasolina at ibinuhos sa anak tsaka sinilaban.

Naagaw ang pansin ng mga kapit-bahay ng mga ito kaya agad nitong pinuntahan ang bahay ng mga ito.

Doon na tumambad ang kahindik-hindik na lagay ng mga bata. Agad nila itong isinugod sa ospital.

Habang si Olga ay dinala sa istasyon ng pulis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagtamo ng sunog ang halos buong bahagi ng katawan ni Jessica na umabot ang epekto sa kanyang mga organs. Maging ang kayang kapatid ay nagtamo rin ng sunog na nakaapekto sa puso nito.

Ngunit sa loob ng isang buwang gamutan, lumala ang lagay ni Jessica at nagkaroon ng multiple organ failure.

Tuluyang sumuko ang kawawang paslit nitong October 23, 2018.

Ang ama ng mga ito ay hindi makapaniwala na nagawa ito ng sariling ina ng mga bata dahil lamang sa 'di nakontrol na galit.

Lubos ang pakikiramay ng KAMI sa pamilya ng nasawi.

Dahil sa 'di nakontrol na galit, grade 4 student sinilaban ng ina

Photo source: Detik.com
Source: Facebook

Source: The Asianparent, Detik.com

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel