Kasal na naudlot dahil sa aksidente, itinuloy sa bagong ASAP

Kasal na naudlot dahil sa aksidente, itinuloy sa bagong ASAP

-Isang buwan bago ang nakatakdang kasal ng magkasintahang Joel at Sherryann naaksidente ang 2 at nagtamo ng matinding pinsala si Joel

-Dahil dito kinailangang ipagpaliban ang kanilang kasal

-Ngunit naging daan ang bagong ASAP upang maituloy ang kanilang dream wedding

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mahigit isang dekada daw bago nagkaroon ng katuparan ang paghanga ni Sherryann kay Joel. High school pa lang daw kasi ay gusto na niya ito.

Inamin rin niya na minsan na siyang dumiskarte noon para mapansin ni Joel. Ngunit hindi siya napansin nito.

Kaya naman nang mabigyan ng pagkakataon, agad niya nang inamin ang kanyang paghanga dito. At sa wakas ay nagkaroon na ng tugon.

Naging magkasintahan ang dalawa at nalampasan ang kanila long distance relationship. Si Sherryann kasi, isang guro sa Surigao habang si Joel isa namang seaman.

"Noong naging mag-on kami, one month lang kaming nagkasama and then sumakay na siya and then pagkabababa na naman siya ng barko, mga ilang araw din, sasakay na ulit," ani Sherryann.

December 2016, nag-propose na si Joel kay Sherryann. Magkatulong na nagplano para sa kasal ang dalawa sa kabila ng layo mula sa isa't-isa.

January 2018, nakakuha na si Sherryann ng wedding planner na siyang tutulong sa kanila para marupad ang kanilang dream wedding.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Handa na ang lahat para sa kanila at ang groom na lang ang hinihintay. Hanggang sa April 11, 2018, nasangkot silang 2 sa isang aksidente.

Nagtamo ng ilang pinsala si Sherryann ngunit mas malaki ang pinsala kay Joel.

"Marami pong damage 'yong sa internal, 'yong sa pancreas, spleen,"

"Imbes na ikakasal na kami sa simbahan, may masama pang nangyari," kwento ni Sherryann.

Minsan na din daw niyang natanong ang Diyos kung bakit ito nangyari sa kanila.

Ngunit hindi sumuko ang dalawa. Nagpakatatag si Sherryann para sa nobyo.

"Parang may anghel na bumubulong na nagsabing huwag kang mag-alala, hindi pa kukunin si Joel," anito.

Hanggang sa unti-unti nang nakabawi si Joel.

Sa isang facebook page tungkol sa mga dream wedding nadiskubre ang kanilang istorya. At doon na nagsimula ang kanilang panibagong plano para sa kanilang kasal sa tulong ng ASAP.

Nitong Linggo, kasabay ng pagbabago ng ASAP Natin 'To, natuloy na sa wakas ang kanilang dream wdding.

Nagsilbing ninong at ninang nila ang mag-asawang Regine at Ogie. Kumanta para sa kanila si Gary V. at maid of honor naman si Sarah Geronimo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel