Isang kandidato sa Maynila ang inaresto dahil sa diumano panggagahasa ng menor de edad

Isang kandidato sa Maynila ang inaresto dahil sa diumano panggagahasa ng menor de edad

- Inakusahan ang isang engineer at kumakandidato bilang konsehal ng Maynila dahil sa panggagahasa

- Kilala raw bilang notorious sa panggagahasa ng menor de edad ang suspek

- Ayon sa biktima ay dalawang beses na raw siyang ginahasa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inaresto ng pulisya ang dating kagawad ang ngayo’y tumatakbo bilang konsehal ng ika-4 na distrito ng Maynila dahil sa diumano panggagahasa ng isang 15-year-old na dalaga. Nalaman ng KAMI sa Manila Bulletin na ang suspek ay isang engineer na namamalagi sa España Tower sa Sampaloc, Manila.

Pinangalanan ang suspek bilang si Rodolfo Astorga, 67 years old. Nahuli ito sa isang entrapment operation na isinagawa ng Officers of the Manila Police District (MPD) women and children’s protection desk.

Isang kandidato sa Maynila ang inaresto dahil sa diumano panggagahasa ng menor de edad

Photo from Philippine Star
Source: Facebook

Ayon kay Ana (hindi niya totoong pangalan), isang Grade 7 na estudyante sa Kasarinlan High School sa Caloocan, inaya raw siya ng kanyang kaibigang si Kim (hindi niya totoong pangalan) na kitain ang nanay niya noong ika-10 ng Oktubre sa condominium. Subalit, ‘pag bukas daw nila ng pinto ay si Astorga ang naroon.

Pumunta raw si Ana sa banyo at paglabas niya ay wala na raw si Kim sa unit. Napansin din daw nito na tila naka-double lock ang pinto. Binigyan daw ni Astorga ang biktima ng P1,500 at P400 naman ang kinuha ng kaibigan niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa biktima ay dalawang beses daw siya diumano ginahasa ni Astorga. Noong November 5 ay nagsabi raw ang biktima na naiwan niya ang relo niya sa condo ni Astorga. Binalikan niya ito sa unit kasama ang kanyang kaibigan at noong kumatok daw ito sa pinto ay agad siyang hinila ni Astorga at ginahasang muli.

Natatakot daw ang biktima na sabihin ito sa nanay niya. Ngunit, sinabi niya ito sa isang lalaking kaibigan na nagsabi sa nanay niya na nagsumbong naman sa MPD. Ayon sa MPD ay makikita raw sa medical certificate na tila ginahasa nga diumano ang biktima.

Hindi raw nagbigay ng komento si Astroga noong imbestigasyon. Dagdag pa ng biktima, sinabihan daw siya ni Astorga na bibigyan siyang P30,000 kapag hindi niya tinuloy ang kaso. Kilala rin daw si Astorga bilang isang notorious na nanggagahasa ng mga menor de edad.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Saan Aabot Ang Bente Pesos Mo? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel