Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

- Itinanggi ni Mika dela Cruz na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Nash Aguas at Alexa Ilacad

- Matatandaang inamin ng magkasintahan ang kanilang relasyon kamakailan lang

- Sinagot ni Mika si Nash na umaming may gusto na kay Mika kahit noong mga bata pa sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na sa wakas si Mika dela Cruz sa gitna ng mga intriga na nagsasabing siya daw ang naging dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Nash Aguas at Alexa Ilacad.

Naging opisyal na ang kanilang relasyon nang sagutin ng aktres si Nash noong October 20.

Paliwanag ni Mika sa isang panayam ng Pep, "Kasi matagal na silang break noong nagkita kami uli ni Nash.

"Nagkita kami sa isang Goin' Bulilit reunion, ilang months na silang break at noong time na yun, hindi kami nag-usap ni Nash.

"Di nga kami nag-usap sa reunion, e, kasi magkagalit kami noong time na yun.

"Pero after, that was last August 2017 na nagkita kami ulit, meron akong pinagdaanan personally at pumunta sila ng mom niya, kasi family friends kami," pagtukoy pa rin ng dalaga kay Nash.

"So, doon lang kami nagkita ulit, ang tagal na.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"So, wala yung sinasabing third party. Oh my God! Hindi naman ako ganun!"

Napag-alaman din ng KAMI na ayon kay Nash, dalawang buwan na silang hiwalay ni Alexa nang muli silang nagkasalubong ni Mika na noon ay kasama daw ng kanyang ina.

Salaysay pa ni Mika, bata pa lamang sila ay naging malapit na silang magkaibigan ni Nash.

"Kasi yung kay Nash, bata pa lang kami, nauudlot lang 'lagi yung sa amin, e.

"Bata pa lang, kami yung close talaga, kaming dalawa.

"Nauudlot lang 'lagi and nag-grow kami sa kanya-kanyang pinagdaanan."

Si Nash Aguas ay nakilala nang sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest kung saan nakasabayan niya si Sharlene San Pedro. Naging bahagi na siya ng iba't-ibang palabas at pelikula hanggang sa nagbinata na siya.

Si Mika dela Cruz ay nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz. Naging bahagi din siya ng Goin'Bulilit hanggang sa lumipat na rin siya sa GMA-7 kung saan naroon ang kanyang ate.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel