Lolit Solis, pinuri si Jinkee Pacquiao sa pagpapatawad sa nagnakaw raw sa kanya

Lolit Solis, pinuri si Jinkee Pacquiao sa pagpapatawad sa nagnakaw raw sa kanya

- Kamakailan nga ay may ibinulgar si Lolit Solis tungkol sa di kaaya-aya umanong nangyari sa butihing maybahay ni Senator Manny Pacquiao

- Ito nga ay ang diumano'y pagnanakaw ng trusted personal assistant (PA) ni Jinkee Pacquiao, na taga GenSan rin

- Pero imbis raw sampahan ng kaso ang naturang tauhan ay pinatawad lang daw ito at pinauwi sa Mindanao kaya puring-puri si Lolit Solis kay Jinkee at sa buong pamilyang Pacquiao

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Punong puno ng papuri si Lolit Solis sa butihing maybahay ni Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao na si Jinkee dahil sa ginawa nito sa kanyang trusted personal assistant (PA) na taga GenSan rin.

Napag-alaman namin dito sa KAMI ang diumano'y pagnanakaw ng naturang PA ni Jinkee Pacquiao sa kanya.

Isang Instagram post ni Lolit Solis ang naispatan ng Inquirer at sa naturang post ay isiniwalat niya ang tungkol sa naganap nag pagnanakaw umano, at sa huli ay pinuri niya si Mrs. Pacquiao.

Nahuli nga raw ni Jinkee Pacquiao ang natrang PA na diumano'y nagnanakaw ng kanyang mga alahas at pera pero imbis raw na sampahan ng kaso ito ay pinatawad na lang umano ng misis ni Pacman.

Ani pa sa rebelasyon ni Lolit:

“Kaloka ang PA (personal assistant) ni Jinkee Pacquiao ha na isinasama niya sa lahat ng lakad niya, binibili ng mga gamit at isasama pa sana sa lakad nila sa Amerika this October nang ma-discover nila na unti-unti na pala silang ninanakawan. Depress na depress si Mama Jinkee dahil buong-buo tiwala niya sa babae na taga-GenSan na kinuha niyang PA.”

At kahit super lungkot at depress si Jinkee dahil tila natraydor siya diumano ng kanyang pinagkakakatiwalan na assistant ay hindi raw niya ito sinampahan ng kaso at pinauwi na lang umano sa kanilang bayan sa General Santos, ayon pa sa post ni Lolit Solis.

Saad pa niya sa naturang post:

“Bait talaga mama Jinkee ko, bantayan mo kasi mabuti Bernard Cloma noh, huwag iwan Mama Jinkee kong mahal noh.”

Si Bernard Cloma ay diumano'y close friend ni Manny Pacquiao.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess

Ang bongga! Frankie Pangilinan turns 18 in a celebration fit for a princess
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel