Vice Ganda, ipinagtanggol si Coco Martin at Ang probinsiyano sa gitna ng kontrobersiya

Vice Ganda, ipinagtanggol si Coco Martin at Ang probinsiyano sa gitna ng kontrobersiya

- Ipinagtanggol ni Vice Ganda si Coco Martin at ang palabas nitong Ang Probinsiyano sa ginta ng kontrobersiyang kinakaharap nito

- Ayon kay Vice, naniniwala siyang palabas lamang daw iyon

- Ito ay matapos masita ng pamunuan ng PNP ang palabas dahil sa ipinapalabas daw nito sa publiko na masasama ang ginagawa ng kapulisan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya, nagpahayag ng suporta ang TV host/comedian na si Vice Ganda sa kaibigan nitong si Coco Martin at sa palabas nitong Ang Probinsiyano.

Ito ay matapos masita ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang teleserye dahil sa masama umanong imahe ng kapulisan ang kanil;ang pinapalabas na diumano ay nakakaapekto sa pagtingun sa kanilang hanay.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nagiging masama ang tingin ng publiko sa Pamunuan ng pambansang pulisya dahil sa kanilang palabas.

"Hindi naman ako na magtataka rin na magkaroon sila ng ganun... na biglang magkaroon ng ganung isyu yung palabas ni Coco.

Hindi naman na daw nagulat si Vice Ganda sa mga lumalabas na reaksiyon.

"Actually, hindi naman si Coco personally, yung Ang Probinsyano, yung programa nila kasi yung [Ang] Probinsyano is influential at kinakapitan talaga ng mga tao.

"May mga tao talaga na maapektuhan at kakabahan dahil ang lakas ng [Ang] Probinsyano."

Gayunpaman, iginiit ni Vice na ang palabas ay kathang isip lamang at ito ay nakalagay naman sa paalala o disclaimer na ipinapalabas bago magsimula ang bawat episode nito.

"Pero ako naniniwala ako na iyon ay palabas, palabas lamang at may disclaimer naman lagi na hindi ito kumakatawan o hindi ito nagri-represent sa anumang talagang ahensiya ng gobyerno.

"Ito ay palabas lamang at kathang-isip. Maaring malapit sa katotohanan pero hindi sila talaga, hindi talaga yun ang tinutukoy.

"Walang tao o ahensiya [ng gobyerno] na tinutukoy."

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Ang kanyang pelikulang Fantastica ang kanyang opisyal na entry para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel