Sinong baboy daw ang gumawa nito? Fetus, tinapon na lamang sa isang piggery

Sinong baboy daw ang gumawa nito? Fetus, tinapon na lamang sa isang piggery

- Natagpuan ang isang fetus na kabalot sa diaper sa isang piggery

- Isang pulang kotse raw ang pumarada kinagabihan ngunit di namukhaan ng nakakita ang babae at di rin nakita ang plate number ng sasakyan

- Tinatayang nasa apat hanggang limang buwan ang fetus na dalwang araw nang naroon sa piggery

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos lunos ang sinapit ng isang walang muang na di pa naisisilang na sanggol nang matagpuan ito sa isang piggery sa Sitio Lubbot, Barangay (Village) Talinggan in Laoag, Ilocos Norte.

Ayon sa panayam ng CNN sa nakakita sa fetus, nakabalot umano raw ito sa diaper at sinilid pa sa ecobag.

Napansin umano ng tagapangalaga ng piggery na tila may nakabaon sa mga bato kaya naman sinubukan niyang hukayon ito. Dito tumambad sa kanya ang nakakadurog ng puso ng sinapit ng sanggol.

Babae ang kasarian ng nakitang fetus na tinatayang nasa apat hanggang 5 buwan lamang at dalwang araw nang nakabaon sa piggery.

May nagsasabing ilang gabi bago matagpuan ang fetus, may pulang kotse na pumarada sa may piggery at may babaeng bumaba mula rito. Dahil madilim, di namukhaan ang babae at di rin nakita ang plate number ng kotse.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di rin ito nalalayo sa naunang naibalita ng KAMI kung saan isang sanggol ang natagpuan sa basurahan at nagtamo pa umano ito ng saksak.

Payo ng City Health Officer na si Dr. Renato Mateo kung hindi pa handang magkaroon ng anak, huwag naman daw sanang humantong sa ganitong pangyayari at isang buhay pa rin ang sinayang at di manlang nabigyan ng pag-asang mabuhay.

Binigyan ng maayos na libing ang sanggol sa Chinese Cemetery matapos itong basbasan manlang sa Saint William Cathedral sa Laoag.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel