Pulis na napatay ng kapwa pulis, karelasyon daw ng misis nito na ka-uniporme din nila

Pulis na napatay ng kapwa pulis, karelasyon daw ng misis nito na ka-uniporme din nila

- Napatay di umano ng isang pulis ang kanyang ka-uniporme sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City

- Tinitingnan ang anggulo ng pagkakaroon ng relasyon ng napatay sa misi ng nakabaril

- Kakasuhan ng murder at grave misconduct ang pulis na nakilalang si PO1 Carlos Alberto Aljama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay sa pamamaril ang isang pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sa ulat ng CNN Philippines, kapwa pulis nito na nakilalang si PO1 Carlos Alberto Aljama ang di umano'y nakapatay kay PO1 Mark Carlo Pasamba.

Tinitingnan ang anggulong "love triangle" dahil sa napag-alamang may relasyon ang napatay sa misis ng nakabaril. Pulis din umano ang misis na nakasama ni PO1 Pasamba.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima at sinubukan naman itong dalhin sa ospital ngunit di na rin ito umabot.

“Initial interview with the suspect revealed that allegedly, his wife who is also a police officer 1 assigned at RMFB and the victim has an affair thus, angle of love triangle is considering to be the motive of the shooting incident,” ayon sa pahayag ng NCRPO.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nagpaalala si NCRPO Director Guillermo Eleazar patungkol sa ethical standards ng pulisya lalo na ang pagpapahalaga sa kasal.

“Kaya nga binibigyan natin ng importance sa ating kapulisan ang PNP ethical standard, respect para sa sanctity of marriage,” pagbibigay diin ng NCRPO Director.

Nasa kustodiya na ng NCRPO Director ang suspek at kakashan umano ito ng murder at grave misconduct.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter threatens mom that she'll not call again if she doesn't send P2,500 for her anniversary with boyfriend

Daughter threatens mom that she'll not call again if she doesn't send P2,500 for her anniversary with boyfriend

Daughter threatens nanay, if she'll not send P2,500 for her anniversary with boyfriend, she'll not call again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel