Ina ng groom, aksidenteng nagsend ng text sa bride na labis nilang kinagulat

Ina ng groom, aksidenteng nagsend ng text sa bride na labis nilang kinagulat

- Kinagulat ng isang bride ang isang text message na aksidente sa kantyang naipadala ng kanyang magiging mother-in-law

- Nasaktan ang bride dahil sa patungkol ito sa kanyang ina at muntik nang maging mitsa ng di pagtuloy sa kanilang kasal

- Nagbigay ng iba't ibang saloobin ang mga netizens dahil sa di na umano alam ng bride ang gagawin dahil sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking gulat ng isang soon-to-be bride ang text message na natanggap mula sa kanyang magiging mother-in-law

Kwento ng babae sa Reddit, isang di niya malilimutang lakad ang naganap kung saan kasama niya ang kanyang ina, malapit niyang kaibigan, ina ng kanyang mapapangasawa at kapatid nito.

Ang araw na iyon ay nakalaan sa pagpili niya ng magiging wedding gown niya sa pinakamahalagang araw nila ng kanyang magiging asawa kung saan 10 taon na silang may relasyon.

Maayos ang lakad na iyon at laking tuwa niya nang mahanap niya ang tama at napakagandang damit para sa espesyal na okasyon.

Nagkaroon din sila ng lunch nang araw na iyon at masasabi niyang masaya siyang malaman na ok naman pala ang magiging biyenan niya.

Napag-usapan din nila ang paggamit pa rin niya ng apelyido nang siy ay dalaga pa sa trabaho at pag sa personal na aspeto ay saka lamang niya gagamitin ang apelyido ng kanyang mapapangasawa.

Sumang-ayon naman ang lahat ng naroon lalo na ng ina ng kanyang nobyo dahil sa ginagawa rin daw niya ito sa kanyang trabaho.

Nang gabi ng araw na iyon, nakatanggap ng isang text ang bride na ito mula sa kanyang magiging mother-in-law. Napansin niya agad na di para sa kanya ang mensahe dahil sa laman nitong paninira raw sa kanyang ina.

Sinabi ng ina ng nobyo sa text na ang ina ng bride ang nagsabi na gagamitin ang apelyido parin niya sa trabaho. Ang masaklap pa, tinawag umano ng kanyang magiging mother-in-law na "sh** show" lamang daw ang araw na iyon.

Nang mabasa pa ito ng bride, kasama niya ang kanyang fiance' at agad niyang pinakita ang mensahe. Nagulat ito at kinausap ang kanyang sariling ina na pinayuhan din na mag-sorry sa bride.

Tumanggi ang ina at tila ba ay pinanindigan pa ang nangyari. Sa mga sumunod na araw na di maiiwasang sila ay magkita, di na halos makatingin ng diretso sa bride ang ina ng kanyang mapapangasawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, di na raw malaman ng bride ang kanyang gagawin dahil sa sakit ng nararamdaman at ganoon na lamang pala ang pagtingin ng kanyang magiging biyenan sa kanya.

Samantala, di naman naiwasan ng mga ntizen na maglabas din ng kanilang saloobin sa naiibang sitwasyon na ito na kinaharap ng isang bride.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Either it was mistakenly sent to you or you have read it from your husband's phone.the latter could be the possibility."
"If it was me then she’d be put on notice I expect a full written apology and if I ever hear her talking cr**or stomping boundaries again she’ll be uninvited to whatever the next big event is"
"I would confront her, Ask her to detail why she thought it was a ‘s*** show’ and why she thinks its a problem that you will keep your name.”
"She gave you valuable information about the kind of person she is. Believe her, and adjust your trust in her accordingly”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kier Legaspi's awesome life as a dad to his 2nd daughter & as a sports enthusiast

Kier Legaspi's life as a dad to his 2nd daughter & as a sports enthusiast

Kier Legaspi's life as a dad to his 2nd daughter & as a sports enthusiast
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel