Batang souvenir vendor, napabilib ang marami sa 12 lenggwaheng kaya niyang gamitin

Batang souvenir vendor, napabilib ang marami sa 12 lenggwaheng kaya niyang gamitin

- Agaw eksena ang batang lalaki na nagtitinda ng mga souvenir items sa Angkor Wat Temple, Siem Reap, Cambodia

- Marunong daw kasi itong magsalita sa 12 lenggwahe

- Maging ang mga netizens ay namangha sa galing ng batang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sino ba naman ang di bibilib sa kakayanan ng isang batang lalaki na souvenir vendor sa Angkor Wat Temple, Siem Reap, Cambodia.

Nakunan kasi siya ng video na nakikipag-usap sa isang turista habang nagsasalita sa iba't ibang lenggwahe ng iba't ibang bansa.

Tuwang tuwa ang turistang makipag-usap asa batang lalaki na napaka-bibo sa pagbebenta ng kanyang mga panindang souvenir items mula sa kanilang lugar.

Sumasagot ito sa iba't ibang lenggwahe gaya ng Japanese, Cantonese, French, Spanish at Thai. Ilan lamang daw ito sa 12 na lenggwahe mula sa iba't ibang bansa na alam niya.

Ayon sa batang lalaki, ginagamit raw niya ang kinikita sa pagtitinda sa kanyang pag-aaral.

Talagang maeengganyo kang bumili dahil sa galing ng bata at sa tatas niyang magsalita sa iba't ibang wika.

Bagaman at bumili na ang turista na kumukuha ng video sa kasama ng bata, napabili muli ito dahil sa batang ito na nakamamangha talaga ang kaalaman.

Nagpakitang gilas pa ito ng nagbilang siya gamit ang wika ng Germany habang binibilang ang mga iniaalok sa turista.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa bata, natutunan lamang niya ito sa mga turista na kanya na ring nakasalamuha.

At syempre, papahuli ba ang wika nating Filipino o Tagalog, kayang kaya niya rin itong imikin.

Maging ang wikang Malay ay di rin pinalampas ng bata at nagbilang din siya gamit ito.

Samantala, naaliw din ang mga netizens na nakapanood nito sa South China Morning Post.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"please see this young talented kid!"
"this one is surely talented!"
"It made me feel sad watching this http://video.How a kid has to struggle and find his own money for education just to change his life.I would say again,children deserve a healthy environment and this kid just excels without being in one.Have a bright future, boy."
"Bless you to be able speak in many languages. Hope you have a bright future ahead"
"watch this and help him.He deserves a better life."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel