Magkakapatid, nagsakripisyo para sa ate na gustong maging pulis

Magkakapatid, nagsakripisyo para sa ate na gustong maging pulis

- Binahagi ng isang netizen na si Jeanalyn kung paano nila napagtagumpayang magkakapatid ang hirap ng buhay

- Pito silang iginagapang ng kanilang mga magulang sa pag-aaral kahit pa aminado silang walang wala na

- Sa tindi ng determinasyon nilang magkakapatid, at sa tulong ng napakasipag nilang ama, nakapagtrabaho sila ng maayos at mayroon pa silang kapatid na isang pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami na tayong narinig na kwento ng tagumpay mula sa malalaking pamilya na hikahos sa buhay.

Marahil, nalaman na rin natin kung paano iginapang ng magulang ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa pagnanais na makatapos ang mga ito.

Ngunit ang kwentong padala ng isang netizen na ito ay tila kakaiba sa iba na nating nabasa o narinig. Imbis kasi na mga magulang lang nila ang nagkandakumahog sa pagpapaaral sa kanila, mismong silang magkakapatid ang nagtulong tulong upang makaahon sa kahirapan.

Isa rin sa pitong magkakapatid ang nais mag-pulis. Ang nakamamangha lamang sa kanila ay ang pagpaparaya at pagsasakripisyo nilang magkakapatid para lamang maisakatuparan ang ninanais ng kanilang ate na di naman sila binigo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng nagbahagi ng kwentong pamilya na si Jeanalyn at nawa ay kapulutan natin ng aral ang nakaka-inspire niyang kwento:

Gusto ko lang po sana ibahagi ang kwento ng Pamilya namin. Isa po ako sa 7 na anak ng mag asawang magsasaka ng Isabela. Kung sa hirap ng buhay masasabi kong isa ang pamilya namin sa pikamahirap sa lugar namin. Sa murang edad sumasama na kami sa bukid para tumulong. Hindi po kami nabibilhan ng laruan at kami din po yung bata na hindi nagpapabili kasi alam namin na wala pambili. Nagkasya na po sa amin yung Ragdoll na laruan namin o kaya yung paperdall dati na tig piso lang. Kami pong 3 babae yung ate ko, ako at yung pangatlo ay nagsumpaan na hindi agad kami mag aasawa hanggang hindi namin nakikita guminhawa ang buhay ng magulang namin. Nung nag high school po kami hindi namin inoobliga ang parents namin na bumili ng gamit namin. Kapag summer naghahanap buhay kami para may pambili ng gamit notebooks, ballpen bag etc. Ang hindi lang namin nabibili lagi ay sapatos kasi mejo mahal. Puro nga bigay sapatos namin eh at laging busog sa rugby hehe. Pero kahit ganon nagsipag kami. Nung natapos ate ko sa high school namasukan sya para makaipon ng pang college nya.

Magkakapatid, nagsakripisyo para sa ate na gustong maging pulis
source: supplied
Source: UGC

Tapos nung natapos kami nung pangatlo natrabaho din kami para matulungan sya. Ilang beses patigil tigil ang ate ko kasi ipon tapos enroll ulit. Minsan nun nasabi ng mama ko na tumigil nalang sya kasi hindi na kaya. Umiyak ng umiyak si ate. Sabi ni papa magpatuloy daw sya kahit igapang na. Sa awa ng Diyos natapos sya, sumunod na problema nya yung board exam naman. Nagtrabaho si ate sa fastfood para makaipon ng pang board nya. Habang ako naman nag enroll sa college sa sobrang hirap ng buhay hindi ko natapos ang 1year. Lagi kasi ako absent kasi kahit pamasahe wala. Minsan may pasahe ako pumapasok naman pero wala na lunch. So, ayun na nga sabay ang review at trabaho ni ate sa fast food kahit nagkakasakit na sya kasi minsan closing pa sya tapos self review pa. Nung lumabas ang result ng exam excited kami lahat lalo na si papa ko sa awa po ng Diyos naipasa ng ate ko ang Criminologist liscensure exam. Pero hindi pa po dun natapos ang hirap. Nagwork kami tatlo sa Epza Cavite tapos sinabay ng ate ko pag apply sa PNP. Ngayun po isa ng Police ang ate ko. Sobrang Proud ako kasi sa sobrang hirap na dinanas namin dati nagsipag talaga sya mag aral.
Lagi nya kasi sinasabi noon na ayaw na nya maranasan ulit yung hirap na nadanas namin at ayaw nya din ipadanas sa mga magiging anak nya. Sya unang nag asawa sa aming 3 last year lang sya nagpakasal sa asawa nya sa edad na 28. Ako at yung sumunod sa akin ay wala pa asawa. Nandito na po kami sa Taiwan at kahit papaano nakakatulong sa magulang. Hindi ko man masabi na mayaman kami pero ang masasabi ko lang malayo na ang buhay namin kumapara dati. Hindi na kami nalilipasan ng kain at hindi na kami kumakain ng kanin na may ginayat na kamoteng kahoy. Nabibili na din namin ng aayos na gamit mga kapatid namin na estudyante. Proud ako sa Parents namin na pinalaki kami na busog sa pangaral. Yung laging sinasabi ni Papa ko na ok lang maging mahirap hwag lang manloko ng iba. Swerte ako kahit naranasan ko ang hirap natuto kami sa buhay.
Sana po ma inspire ko yung ibang kabataan na magsumikap sa buhay at hwag lahat iasa sa magulang. God blessed to everyone.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica