Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

Tsugi kaya?! Toni Gonzaga at Zsa Zsa, 'di raw nabanggit sa ASAP Natin 'To!

- Mukhang nawindang ang online world sa bagong pasabog ng ASAP sa Kapamilya network dahil nagreformat na nga ito after 23 years

- Sa pagbabago ng bihis ng naturang Sunday variety show, hindi lang pangalan ang nagbago kung hindi pati na rin ang konsepto

- Pero isa sa kinagulantang ng maraming netizens ay hindi nabanggit ang mga pangalang ng dating parte ng show gaya nina Toni Gonzaga, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla at marami pang iba

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakakagulat nga naman ang pagbabago ng ASAP na minahal ng maraming Kapamilya all over the world.

Una ng binanggit ni Asia's Songbird Regine Velasquez ang pagbabago ng pangalan ng show sa panayam ni Boy sa TWBA sa kanya mula sa ASAP magiging ASAP Natin 'To!'

Kinumpirma naman ito ng ABS-CBN at iniba na rin nila ang kanilang pangalan at profile pic sa kanilang social media page at itong lahat ay na-timing umano sa pagbabalik Kapamilya ni Regine, ayon pa sa balita na naispatan ng KAMI.

Pero maraming mga netizens ang mukhang nawindang sa pagkabahala at pagkalungkot dahil sa naturang mga pangalan na nabanggit, hindi umano na-mention ang pangalan nina Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga, multi-award winning singer-songwriter Martin Nievera, Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Chinita Princess Kim Chiu, Dance Royalty Maja Salvador, Robi Domingo, at marami pang iba.

Unang binahag ng Abante, kamakailan lang ang katanungan kung tsugi na ba sina Toni, Luis, at Robi sa bagong ASAP pero sa kanilang Instagram page ay nandoon si Luis Manzano at nabanggit rin ang pangalan nito sa balita ng ABS-CBN.

Ani pa raw ng nakausap nila ng news source:

“Malaki ang pagbabago with her in the show. ‘Yung mga mala-chopsuey na portion, mag-iiba na. Of course, ‘yung mga reliable performer and host plus ‘yung dini-develop namin young performers ay nandiyan pa rin, pero lahat ng ‘yun nakaangkla sa mga gaya nina Gary, Ogie, Sarah, at Regine nga, and the rest."

Natawa naman daw sila nang tinanong nila ang nasabing kausap tungkol sa bagong ASAP, kung saan na raw mapupunta ang mga gaya nina Toni Gonzaga, Robi Domingo, at iba pang segment host ng show.

Sagot raw ng kausap nila:

"Nandiyan pa rin sila. Kasama sil du'n sa 'the rest.'"

Ibinahagi namin kamakailan lang ang tungkol sa pagkumpirma ng ABS-CBN Entertainment news sa pagbabago ng ASAP.

At ibinahagi ni Asia's Songbird na sa pagkaka-alam raw niya na walang umanong matatangal sa pareformat ng show at pagpasok niya.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw

Parang telenovela? Meghan Markle at half sister nito, may hidwaan daw
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel