PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

- Sa latest balita tungkol sa Philippine National Police (PNP) at FPJ's Ang Probinsyano ng Kapamilya network, binabawi na umano ng una ang kanilang suporta at assistance sa show

- Ang naturang ulat ay lumabas diumano pagkatapos ng maipahayag ang pagkadismaya ng PNP chief Director General na si Oscar Albayalde tungkol sa teleserye ni Coco Martin

- Pinapayuhan umano ang lahat ng pangkat, opisina, at mga tauhan na kaagad ihinto ang kanilang suporta at tulong sa naturang TV series ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI ang pagbawi umano ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang suporta at tulong mula sa Kapamilya primetime TV series na FPJ's Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon pa sa balita ng PEP, kung saan una naming naispatan ang naturang ulat, nagpalabas raw ng isang memorandum ang PNP noong Friday, November 16, 2018.

At ito ay ang pagbigay utos diumano sa lahat ng pangkat, opisina, at mga tauhan ng Philippine National Police na ihinto na raw ang kanilang pagbibigay tulong at resources para sa produksiyon ng teleseryeng Ang Probinsyano.

Saad raw ni Police Community Relations Director Eduardo Garado:

"All units, offices, and personnel are advised to immediately refrain from assisting, to withdraw their support to the production of the said teleserye in terms of PNP resources like patrol cars, firearms, personnel, venues, and other items and gadgets being used in the teleserye."

Pagpapatuloy pa ng balita, nagkaroon umano ng pag-uusap ang Police Community Relations Group o PCRG, Movie Television Review and Classification Board(MTRCB), at ang produksiyon ng Kapamilya TV series na FPJ's Ang Probinsyano noong Oktubre 17.

Sa nasabing pag-uusap, ipinangako diumano ng produksiyon, and we quote:

"to make the necessary corrections on the issues raised by the PNP in a week's time."

Dugtong pa sa balita, 2 weeks na raw ang nakakaraan pero diumano'y wala pa rin raw pagbabago, ayon sa kanilang pinagkasunduan umano.

At sa halip daw ay nagpatuloy pa rin raw ang diumano'y maling paglalarawan sa mga PNP officers bilang "corrupt and ineffective" raw, ayon sa sinipi sa balita.

Ani pa rin sa balita, nakalagay din daw sa memo na nirerespeto raw ng Philippine National Police ang "freedom of expression" ng mga writers at movie makers.

Subali't, may limitasyon din daw umano nito.

Dagdag na sabi pa raw ni Garado:

"While our PNP legal officers are studying our legal options, there is a need to immediately withdraw the PNP's assistance, if there is any, in the production of the teleserye."

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells

Pinaalis umano ni Pangulong Duterte ang mga pari sa turnover ng Balangiga Bells
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel