Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

-Iba sa karaniwang istorya ng mga Pilipino sa UAE, isang Pinoy ngayon ang nagsisilbing alagad ng batas doon

-Naunang maging OFW bago nakamit ang pangarap na posisyon ngayon

-Madalas daw niyang paalalahanan ang ibang Pinoy doon na sumunod sa batas upang 'di matulad sa iba na sinawing-palad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si officer John Ray Cerna ang kauna-unahang Pilipinong magsisilbi sa United Arab Emirates (UAE) bilang isang alagad ng batas doon.

Taliwas sa karaniwang sitorya ng ating mga kababayan doon, isa na si Cerna sa matagumpay na Pinoy ngayon sa UAE.

Hindi naman daw naghing madali ang kanyang buhay doon bago siya naging isang ganap na pulis sa dayuhang bayan.

Nagsimula muna siya bilang overseas Filipino worker (OFW) doon. Namasukan bilang isang salesperson sa isang European company na nagtitinda ng mga furnitures sa loob ng 3 at kalahating taon.

Namasukan din siya bilang isang travel manager doon.

Doon nakilala niya si Dra. Maria Jade Catalan Opulencia na siyang nagpakilala sa kanya kay Atty. Barney sa konsulado sa Dubai.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang abogado naman ang naging daan para makilala niya si Consul General Paul Raymund Cortes na siyang nag-interview sa kanya.

Ilang taon na siyang naninilbihan bilang pulis doon at maraming mga Pilipino na rin ang kanyang nakilala at humanga sa kanya sa kanyang nakamit.

Aniya sa isang pahayag, madalas niyang paalalahanan ang mga Pilipino doon na sumunod na lamang sa batas doon upang 'di matulad sa mga Pinoy na sinawing-palad sa dayuhang bayan.

Source: The Filipino Times

Kilalanin ang 1 Pinoy sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon

Photo source: The Filipino Times
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking walang mga kamay at paa, maayos na nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak

Lalaking walang mga kamay at paa, nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak

Lalaking walang mga kamay at paa, maayos na nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel