Madalas mangyari sa mga bata! Brain disease dahil sa trangkaso

Madalas mangyari sa mga bata! Brain disease dahil sa trangkaso

-Madalas na magkaroon ng trangkaso o flu ang mga bata, ngunit alam niyo ba na maaaring pagmulan ito ng brain disease

-Isang bata mula sa Australi ang nagkaroon nito sa kabila ng kanyang kasiglahan

-Isa ito sa maaring maging babala para sa mga magulang na 'wag ipagwalang-bahala ang kahit na simpleng sipon o lagnat ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang Acute Necrotizing Encephalopathy (ANE) ay isang sakit sa utak na lumalabas pagkatapos ng viral infections.

Maraming kaso ng ANE ang napaulat sa mga bata sa Japan at Taiwan ngunit posibleng magkaroon ang lahat nito.

Ang sintomas ng sakit na ito ay lagnat, respiratory infection, at gastroenteritis at kung minsan ay sinusundan ng seizures, coma, pagkakaroon ng sakit sa atay at neurological deficits.

Katulad ng nangyari sa isang 2 taong gulang nabatang babae sa Australia. Tulad ng ibang bata, masigla, masayahin at malikot ang batang kinilalang si Paige.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang araw habang naglalaro ito, bigla na lamang daw itong bumagsak at nagisay o nagkaroon ng febrile convulsion.

Agad itong isinugod sa ospital at habang nasa daan ay tila daw ito nakakatulog. Nang makarating sa ospital nagsuka ang bata.

Mayroon daw itong sipon at mababang lagnat ng araw na iyon.

Mula sa ER agad na inilipat sa ICU si Paige. Na-diagnose ito ng ANE. Ayon sa ulat ng The Asianparent, nanatili pa ang batang si Paige sa ospital at hindi maliwanag kung gagaling pa ito mula sa sakit.

Madalas mangyari sa mga bata! Brain disease dahil sa trangkaso

Photo source: GoFundme
Source: Facebook

Nagagamot naman daw ang sakit na ito ngunit madalas na nagtutuloy-tuloy na ito at ikinamamatay ng pasyente.

Ang ganitong sakit ay bihira lamang dumapo.

Source: The Asianparent, Rare Diseases Info

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
20-anyos, patay ilang oras pagkatapos kumain ng tirang spaghetti

Estudyante, patay matapos kumain ng ininit na spaghetti

20-anyos, patay ilang oras pagkatapos kumain ng tirang spaghetti
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel