Grade 5 sa overpass, nag-aaral na nagha-hanapbuhay pa doon

Grade 5 sa overpass, nag-aaral na nagha-hanapbuhay pa doon

-Isang bata ang nakaantig sa puso ng mga netizens matapos ma-spot-an sa isang overpass

-Habang nakikiamot ng liwanag mula sa overpass dahil walang kuryente sa kanilang bahay, naghahanap-buhay rin ito doon

-Isang inspirasyon ito na tatatak sa ating puso at paniguradong tatagos din

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang viral video mula sa isang netizen na si Arej Real ang pumukas sa mga puso mg mga netizens sa socila media.

Ayon kay Real, na-spot-an niya ang isang bata habang siya ay gumagawa ng personal video sa isang overpass sa megamall ata St. Francis square.

Nakatawag-pansin umano sa kanya ang isang batang naka-uniform habang may sampaguita sa harapan nito.

Napansin niya rin na tila may ginagawa itong aralin.

Hindi nito pansin ang mga taong dumadaan sa overpass at tila wala rin namang nakpapansin dito. Hanggang sa isang dayuhan ang nakapansin dito at naabot ng konting tulong.

Doon na daw napansin ng estudyante si Real kaya naman nilapitan niya ito. Nang tanungin niya ito, nalaman niyang Jandel ang pangalan nito.

Grade 5 student at ang ginagawa pala nito ay assignment. Nakiki-amot ng liwanag mula sa overpass dahil sa ilalim ng tulay sila nakatira at walang kuryente doon.

At ang sampaguita sa harap nito ay paninda ng bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nahabag si Real sa kalagayan ng bata kaya naman sa simpleng bagay na kanyang magagawa y tinulungan niya ito.

Nang iabot niya ang isang value meal mula sa Jollibee, agad itong tinaggap at binuksan ni Jandel. Mukhang nagutom ito sa pag-aaral o kaya naman ay hindi pa nalalamnan ang sikmura sa gabing iyon.

Ibinahagi ni Real ang video upang makaabot sa mga may mabubuting puso nating kapwa.

Sino ba ang hindi maaantig ang puso sa ganitong eksena. Isang bata ang nagsusumikap sa kabila ng mga kakulangan na meron ang pamilya.

Kamakailan ay naiulat rin ng KAMI ang isang batang gumagawa rin ng takdang-aralin sa gilid ng kalsada dahil wala ring kuryente ang bahay nila.

Hangad ng buong KAMI ang kabutihan para sa mga kabataang katulad nila. Narito ang video.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag

Kabit ng lalakeng pumaslang sa buntis na asawa at 2 anak, nagbigay ng pahayag
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel