SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

- Isang violation na naman ang kinaharap ng motoristang gumamit ng protocol plate

- Pinalitan daw diumano ang kulay at plaka ng SUV na sangkot sa insidente

- Labag daw ito sa panukala ng LTO at PNP-HPG

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa awtoridad ay nakuha na raw nila ang Toyota FJ Cruiser na gamit diumano ng isang motoristang si Jojo Velario, ang lalaking sangkot sa road rage na may plakang no. 8. Nalaman ng KAMI na tila iniba na raw ang kulay ng SUV mula dark blue, ngayon ay green na ito. Pinalitan na rin daw ang plaka nito.

Ayon sa pulisya ay labag daw ito sa patakaran ng Land Transportation Office (LTO) at PNP-HPG dahil pinalitan ang kulay at plaka ng walang pahintulot sa kanila. Kaya naman, may bago na naming violation si Velario.

Nahuli nga kamakailan ang motoristang ito ngunit pansamantala ring nakalaya matapos magpiyansa. Ilan nga sa reklamong kinaharap niya ay physical injuries, grave threat, at iba pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nauna na ngang ibinalita ng KAMI na hindi kongresista ang lalaking may plakang 8. Siya ay isang negosyante at singer. Nahuli naman siya sa isang bar sa Tarlac City.

Nakasaad sa batas noon na tanging mga miyembro lang ng House of Representatives ang maaaring gumamit ng protocol plate na ito. Subalit, ngayong 17th Congress na nga ay ipinababalik naman ng House ang mga ito sa kanila dahil wala pa raw ini-issue na protocol plate sa ngayon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Stray Kids - I Am You: KPop Zero Budget Parody | Zero budget parody for another K-Pop hit of this year, I Am You by Stray Kids. Add some smoke, a sophisticated look, simple decorations and here we go - the music video is ready! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona Gray's backstage moment after being crowned as Miss Universe goes viral

Catriona Gray's backstage moment after being crowned as Miss Universe goes viral

Catriona Gray's backstage moment after being crowned as Miss Universe goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel