Imelda Marcos, kitang nilabag ang utos sa paggamit ng no. 8 na plaka

Imelda Marcos, kitang nilabag ang utos sa paggamit ng no. 8 na plaka

- May isang panukalang nilabag si Imelda Marcos

- Ito ay ang paggamit niya ng protocol plate na no. 8

- Kita sa litrato na ginamit niya ito nang pumunta siyang Sandiganbayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May kautusang nilabag na naman ang dating first lady na si Imelda Marcos. Nalaman ng KAMI na kita sa isang litrato na tila ginamit ni Marcos ang coaster niyang may plakang no. 8 na noon pang ipinagbabawal ng House of Representatives noong pumunta siya sa Sandiganbayan.

Giit ng Land Transportation Authority ay ipinagbabawal na raw ang paggamit ng lukang plakang no. 8 at hanggang sa ngayon ay hindi pa raw naglalabas ng ganitong plaka ang 17th Congress. Noong nakaraang Agosto 2016 nga inanunsyo ni dating House speaker Pantaleon Alvarez na ibalik ng mga House members ang kanilang plaka. Tanging ang mga miyembro lang kasi ng House of Representatives ang may kapangyarihang gamitin ang plakang ito.

Imelda Marcos, kitang nilabag ang utos sa paggamit ng no. 8 na plaka

Photo from Rappler
Source: Facebook

“The last production and issuance of protocol plate for members of the House...is during the 16th Congress 2013 to 2016. Considering that there were no plates issued for the present Congress, the plates issued to the previous Congress should no longer be used,” giit ni Francis Almora ng LTO base sa report ng Rappler.

Kamakailan nga lang ay pinaalalahanan din ni bagong House speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga House members na ibalik ang protocol plate.

Nauna na ngang naibalita ng KAMI na dumating sa Sandiganbayan si Marcos para sa kanyang hearing kung saan ay hinayaan din siyang magpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Naibalita rin ng KAMI ang isang motorista na sakay ng diumano SUV na may plaka ring no. 8 subalit hindi naman pala kongresista ito. Nanapak din ang motorisa na ito sa kalsada na nahuli naman sa CCTV.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Stray Kids - I Am You: KPop Zero Budget Parody | Zero budget parody for another K-Pop hit of this year, I Am You by Stray Kids. Add some smoke, a sophisticated look, simple decorations and here we go - the music video is ready! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2

Number 2 ni Misis sinaksak si Mister! Misis, mas kinampihan si number 2
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel